mommy advise me pls

Mag 8 Months na ako this coming sep 2 pero sinasaktan ako ng asawa ko kapag nagtatalo kami mabilis Kasi uminit ulo niya sinasampal, pinipilit Niya ko humiga, at sinusuntok sa legs at iba pa. Sinabi ko na to sa Family ko ayaw nila maniwala sakin Kung maniniwala sila binabalewala lang nila ano pong gagawin ko? I'm only 18 this coming September and my boyfriend is already 22 pls advise Po

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Report agad sa police sis, dami ko na nababalitaan sa online buntis asawa bugbog sarado. wag mo antayin na san pa humantong yang pasuntok auntok nya which in the first place wala syang karapatan saktan ka. kahit pa ndi ka buntis! isipin mo sarili mo at ung bata., buntis ka ginaganyan kana, what more manganak ka sis nako, ako na nag sasabi sayo kawawa ka. uwi ka sa inyo. mahirap kasama sa buhay ung demonyong ganyan. ikamatay mo pa toyo sa utak nyan.

Magbasa pa
VIP Member

Dapat kinilala mo muna mapapangasawa mo di yung ganyan na buttered husband ka. Well up to you pag laban mo din sarili mo kung alam mo asa tama ka. Find a evidences para mapatunayan mo na tama sinasabi mi sa parents mo. Ako nabugbog nako ng bf ko tuwing lasing pero now nagbago na siya unlike before. Kausapn mo mamaya may sama pala ng loob sayo. If not working edi umalis na ka jaan sa puder niya report mo.

Magbasa pa

San ka nag sstay ngayon, sa partner mo or family mo? Kung sa partner mo, umuwi ka na sainyo. Yan ang magiging future mo at ni baby sa partner mo. Hiwalayan muna bago pa mahuli po ang lahat. Kung nagdadalawang isip pa po kayo, gusto mo ba na sasaktan ka na lang niya hanggang sa nagsasama kayo? You decide, freedom or kulong?

Magbasa pa

Luckily, my husband was 29 and I am 21. Sa 6 years na naging mag jowa kami, never niya ako nasaktan physically aside from binato ako ng kumot sa sobrang pikon. 😁 Siguro yung mai-aadvice ko nalang sa'yo momsh, let him go. Sabi kasi ng asawa ko nung bf ko pa siya, A man who lays his hand to his woman is not a man at all.

Magbasa pa
4y ago

Hindi ang family mo ang magdedecide sa kung anong mas makabubuti sa estado mo ngayon, you have your right amongst their judgments.

I'm turning 18 this coming Nov. 28. And may partner is 28 na. But never nya Kong pinag buhatan ng kamay. Labas nalang sa pag kurot at pag ganti nya Ng sobrang hina pag nangunguna ako. Sab nya kc Ang babae d sinasaktan yan. Dpat minamahal! So I advice na distansya na habang d pa malala ung ginagawa sa Asawa mo say!!

Magbasa pa
4y ago

Hiwalayan mo yan

VIP Member

Umalis kana jan girl. Wag kang magpaka-martyr. Hindi na uso yun ngayon. Imagine ngayon palang ganyan na yan pano pa in the future? Baka sa susunod hindi nalang ikaw ang saktan nya pati na din ang baby mo. Umuwi ka nalang sa pamilya mo sis. Mas mabuti nang maging single mom kesa makisama sa bayolenteng tao.

Magbasa pa

Umalis ka.iwan mo.humingi ka ng tulong sa family mo.then sabihin mo lahat lahat ng ginagawa sayong pananakit.pag hindi sila naniwala,pumunta ka sa malapit na kamag anak nyo,o sa mga malapit na kaibigan mo.wag mo tiisin ang pananakit at pangaabuso sayo.

Iwan muna mahirap pero yun tama wag mo siya hayaan saktan ka lang malay mo magbago pag naranasan niya wala ka, mas mahirap my mangyari sa inyo ng baby mo madami pa lalaki pero yung anak mo di muna mapapalitan, godbless you sis 🙏

hindi sa pang jajudge sayo ah masyado kapa kasing bata para sa ganyan responsibility kaya ayan nangyare sayo. sana inisip mo ito bang lalake tong mabibigyan ako ng maayos na buhay sana nag isip ka ng maige yung mga "what if" ba.

VIP Member

Naku! Hiwalayan mo na yan! Wala syang respeto sayo pati sa dinadala mo. Wag mong hayaan na pinagbubuhatan ka ng kamay ng asawa mo. Hindi mo deserve yan. Ikaw mismo gumawa ng way para makalaya ka dyan sa asawa mong walangya!