13 Replies
Kung minsanan lang naman. Alam mo ang asawa ko at ako ay nakikitira din. Sya lang may trabaho at alam mo ba umaabot sa point na 75 pesos lang ang natira saamin. Nakikitira din kame sa parents ko...nag sheshare din kame sa bigas at ulam. Kahit na naranasan namin na 75 nlng natira samen still nagawa pa paraan ng asawa ko makabili padin ng share namen dito which is worth 2k every month. Dumadating din ang time na nanghihinge ang family ng asawa ko sa province.. pinaiintindi lang sakin ng asawa ko na mahirap kitain ang halagang 500 sa probinsya eh dito sa maynila kaya nya kitain yun...tama naman diba? Alam din naman nya limitation kaya nya rin ipaintindi sa family nya na may araw gipit din kame kaya pasensya muna...pumapayag ako magpadala sya sa kanila kahit gipit kase after all laking tipid namen kase dito kame sa family ko nakatira...give and take lang. And pag uunawa...dapat maraming pag uunawa kung gusto nyo magkaintindihan kayo kung ang isa immature then mag adjust ka. .may time din na kung ikaw ay ganun panigurado sya rin mag aadjust para sayo
Siguro po kung bihira lang naman siya magpadala like may specific reason or situation na kailangang kailangan lang, acceptable pa. Pero kung aabot naman po sa point na madalas na and kayo na ni baby ang nawawalan ng budget, baka its time iconfront mo na si hubby. Sa case niyo kasi na nakakapag provide yung family mo sa inyo baka hindi niya nafefeel yung buong burden or responsibility ng pag provide sa inyo ng anak mo kaya isip niya okay lang na magpadala sa pamilya niya. Kapag kasi pinabayaan mo na ganyan, bukod sa unfair tlaga sa side ng family mo, e baka ikasira pa ng relationship niyo kapag di naagapan ang pag solve niyo sa financial matters. Better din ma open up mo sa kanya kung ano magiging plano or set up niyo pagdating sa pag save sa future ng family at baby niyo para din hindi narin kayo nagigipit sa future. Goodluck po sana maayos niyo agad yan! :)
Let him do it just this once or occasionally kasi baka in need na talaga ng sobra yung family niya sa province but if gagawin niyang regular like every cut off then you should talk to him na and explain to him na hindi na kaya ng budget niyo. As much as possible wag po ninyo isusumbat yung naiaambag po ng parents niyo kasi baka magstart po kayo mag-away and baka magkaron siya ng thinking na baka pabigat siya jan sa inyo etc. Kausapin niyo po mun ang mahinahon and explain your side na mas need niyo ni baby ng financial support ngayon esp sa vitamins, food and checkups. Eventually, tingin ko magegets naman niya yon lalo na if nakikita niya na halos tipirin mo na yung sarili mo. Pero mommy wag mo naman tipirin sarili mo sa food ha, kawawa naman si baby niyan. Pray for his guidance. 🙏
If emergency po at wala na pong ibang malalapitan parents niya, halimbawa na lang po ng iba pang mga kapatid niya kung meron man po, mag abot na lang po ng kaya kahit maliit lang. Minsan lang naman po. Pero kung may ibang mahihiraman pa naman po ng pera parents niya, lalo na po kung di pa naman po katandaan, sabihan mo po si hubby mo na baka pwedeng pakiusapan parents niya. Kakailanganin niyo rin po kasi ng pera pagdating ng araw. At kayo po mismo sa sarili niyo, hindi niyo rin po alam kung may malalapitan man po kayo sa kanila if ever man. Magbigay kung may sosobra. Pero kung kapos naman po, ipaliwanag niyo po sa kanila ng maayos. :)
Para po saakin wala naman pong masamang magbigay 😊 kahit konti lang makapagshare. Maappreciate naman po siguro nila yon. Ganun din po sa family mo. Magbigay din po kahit maliit im sure matutuwa sila kase hindi kayo nakakalimot. Turo po skin ng parents ko yan. Kaya tuwing nabisita kme sa side ng husband ko nagaabot ako kahit magkano. Kapag naman meron sobra nag aabot ang asawa ko sa parents ko. Dapat ako mabigay sa parents nya para daw mahalin ako hahaha 😂😂😂 vice versa sa husband ko. Thought nandito kame sa parents ko para my katulong kahit papano sa pag aalaga sa baby. Pero plan nadin bumukod.
Kung wala po pang share financial kahit simpleng chores nalang sa bahay appreciated naman poyon 😊 pray lang saka try niyo po mag home base na work
Baka po emergency po yung pagpapadala nya. Like may sakit magulang nya. Yun yung mga bagay talaga na dimo matanggihan.
Okay lang sana kung nakakaluwag din kayo kaso sabi mo wala din naman. So kausapin mo na lang sya mamsh.
Sakin no ur not madamot sana naisip rin ng bf mo sitwasyon nyo para hindi rin sumama loob ng parents mo
Sakin ok lang magpadala sa family nya, if may sobra sa budget nyo. Pero kung kinukulang, wag na muna siguro.
Kung ganyan ang sitwasyon, iask mo si hubby para san ung ibbigay nya? Baka naman kailangang kailangan ng family nya ung pera ngaun. Kung hindi naman ganun kaneed, ask him na wag muna siya magbigay at mas need nyo ung pera ngaun. Hindi sa nagdadamot ka. Ikaw at ang baby nyo na dpt ung priority nya. Kayo muna bago ang iba. ☺️
Eve Q. Dela Torre