Madamot ba ko?

madamot ba ko mga momsh? unplanned kasi yung pregnancy ko at hindi okay sa work ko ang buntis dahil nasa modelling agency ako kaya nagresign ako. mas malaki ang kita ko kay bf which is yung kita nya is provincial rate and minimum pa. so ayun na nga. wala kaming ipon at sya lang ang nagwowork hanggang sa nagsama na kami nung 7 months na tyan ko..lahat ng tipid ginawa namin lalo na ako..ngayon namang 5 months na si baby gusto magpadala ni bf sa family nya na nasa probinsya..which is unfair to me sa tingin ko..ako ang breadwinner samin kaya isipin nyo yung lagapak nung nabuntis ako at di na rin ako nakatulong..nagagalit ako kay bf dahil unfair naman..ako tipid ako ng tipid..tapos yung family nya ang papadalhan nya..kaso wala rin naman kami momsh. ngayon nakikitira lang kami sa parents ko. ang tumutulong mag alaga sakin kay baby parents ko. ang nagpapakain sakin parents ko. kuryente lang share namin sa lahat.

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman po kadamutan yun pero isipin mo din po si mister. Baka naman kailangang kailangan.

Kung tlgang kelangan na kelangan why not? Maliban nlng kung palaging nagpapadala.

up