Pagod

Madalas pag pagod na pagod kana, antok na antok kana hahayaan mo nalang saglit na umiyak si baby mo . Madalas nasasabayan mo na rin yung pag iyak nya, gusto mo ng sumuntok sa pader, kasi feeling mo mag isa ka, wala kang karamay, di mo naaalagaan ng maayos anak mo ganun . Pag tulog na sya, maiiyak ka parin, sorry ako ng sorry sakanya kasi alam kong pagod din sya dahil ramdam nya pagod ko kasi di ko na sya napapatahan or napapatulog agad kahit antok na sya . Nafifeel nyo rin ba to?

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan naman po siguro ang ina. yung kahit anong gawin mo parang kulang pa din. pero push lang tayo. kasi kahit ganun tingin natin sa sarili natin, para sa mga anak natin, tayo ang mundo nila.