Pagod

Madalas pag pagod na pagod kana, antok na antok kana hahayaan mo nalang saglit na umiyak si baby mo . Madalas nasasabayan mo na rin yung pag iyak nya, gusto mo ng sumuntok sa pader, kasi feeling mo mag isa ka, wala kang karamay, di mo naaalagaan ng maayos anak mo ganun . Pag tulog na sya, maiiyak ka parin, sorry ako ng sorry sakanya kasi alam kong pagod din sya dahil ramdam nya pagod ko kasi di ko na sya napapatahan or napapatulog agad kahit antok na sya . Nafifeel nyo rin ba to?

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yes mamsh until now may mga time na medyo na iistress ako specially sa madaling araw yung kahit di ka naiintindihan ng anak mo kakausapin mo sya tatanungin mo kung bakit ba sya ganun na masasabihan mo si baby ng " pagod na pagod na ako anak ano pa ba gustk mo ". then sasabayan pa na magigising si mister at sasabihin "ako na dyan mahal kesa sinisigawan mo anak natin" na lalo pa nakakadagdag ng stress 😭😭😭 pag sinabi mo na way mo yun sa pag labas ng stress at pagod sasabihin nya ang "pangit ng way mo nababaliw kna nman." Pero ngayon naka adjust na ko konti pero pag pumasok na ko sa work next week baka maloka na talaga ako kasi madaling araw talaga gising baby ko 😭😭 pero kahit pagod ako sa baby ko parin ako kumukuha ng lakas minsan nilalaro ko nalng para maibsan kahit papaano puyat at pagod ko.

Magbasa pa
4y ago

ilang months na po baby mo?