Pagod

Madalas pag pagod na pagod kana, antok na antok kana hahayaan mo nalang saglit na umiyak si baby mo . Madalas nasasabayan mo na rin yung pag iyak nya, gusto mo ng sumuntok sa pader, kasi feeling mo mag isa ka, wala kang karamay, di mo naaalagaan ng maayos anak mo ganun . Pag tulog na sya, maiiyak ka parin, sorry ako ng sorry sakanya kasi alam kong pagod din sya dahil ramdam nya pagod ko kasi di ko na sya napapatahan or napapatulog agad kahit antok na sya . Nafifeel nyo rin ba to?

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel u sis, 2 weeks palang akong nanganak at ako lang mag isa sa pag aalaga kay baby 😭 Tuwing madaling araw kapag di ko mapatahan si baby, naiiyak nalang din ako, minsan inuuntog ko na ulo ko sa pader kasi di ko alam gagawin ko pano ko siya mapatahan. 😭 Wala nadin kasi akong mga magulang, kaya mahirap talaga sakin kung ano ang gagawin. Habang kumakain naiiyak nalang ako. Di ko na alam gagawin ko.

Magbasa pa
3y ago

Sending hugs mommy