22 Replies
Hi miiii .. As a first time mom nasabihan din ako ng ganyan ng mama ko nung bumibili ako ng pasalubong na damit after work para sa anak ko but, months old lang sya nun. Hindi ko naman dinamdam ang thinking ko kasi at least may pasalubong ako sa anak ko. Kontra din sya sa lahat ng binibili kong damit para sa anak ko noon. But, I realized that can be improved naman as times goes by. So miiiii kalmahan mo lang hayaan mo kung may maicocomment na panget ang importante nabibigay mo ang needs nung anak mo. Valid naman ang pagsama ng loob mo but, my point is ndi naman importante ang comment ng byenan mo iba iba naman ang taste yan. Kanya kanyang anak din naman plus your child your rule.βΊοΈ
me as a first time mom ganyan din mother ko binilhan namin si baby ng white shirt akala namin malamig, hindi pala. sabi ng mom ko hindi pure cotton. hinayaan ko nalang dahil di ko naman pansinin nung una ano difference. then lagi na mother ko buminili ng mga sando na cotton para sa baby ko. and eventually narealize ko whats the difference between what i brought to what she gave to my son. mainit nga talaga yung tela di mo agad mhahalata kung di ka ma experience pa. di naman malaking bagay yon mii and maging thankful kapa sana dahil inaalala anak mo at natuturuan ka without using offensive words. be mature mommy as long as good kay baby wg mo masamain
your emotions are valid mommy. una pa lang nagdisclaimer ka na na mabait mother in law mo. ayaw mo naman na naiinis ka, pero nainis ka, right? huwag mo pansinin 'yung mga nagcomment na maarte ka dito. nanay ka, mas matindi ang struggle if first time mom ka, kasi lahat naman ng best gusto mo para kay baby, pero parang nadiscourage ka sa comment ng mother in law mo. you can openly talk your emotions with your spouse. alam ko love mo naman mother in law mo. at naaappreciate mo 'yung tulong and damit niya, pero naiinis ka lang talaga. "normal 'yan." set healthy boundaries mommy. π God bless you.
paano daw ba naging pangit? mainit tela? manipis or hindi naabsorb yung pawis o hindi 100% cotton? baka kaya ganon nasabi ni MIL.. palagpasin mo nalang Mii siguro masakit sa side mo kasi syempre binili mo alam mo best kay baby. Pero tingnan mo din baka Tama pala siya? o kung Mali si MIL pwede mo naman sabihin in a nice way na maganda mga binibili mo Pero kung gusto niya bilhan be thankful nalang mi... tulad ng sabi mo mabait si MIL kaya wag mo isipin negative Yun suggestions niyaπ₯°
it's okay. my mom actually bought my unborn son some clothes. I appreciate it but I told her na sabihin muna saken next time. Excited lang sila we should be happy they're so accepting β₯οΈ So after that tuwing may gusto bilin mom ko. sinasabi Muna Niya saken and we both decide if it's okay or not. I have preference Kase for my baby and my mom is respecting that. She apologize Kase excited daw Siya. na awkwardan pa nga ako Kase she doesn't need to apologize. I'm grateful pa nga
Hahaha! I remember my MIL. may bathub kami na binili mag asawa for LO... tapos nagulat nalang kami na binilhan daw nila ng bathtub ang apo nila, nagtataka naman ako at meron na. Pangit daw kasi ng nabili namin. π€¦ββοΈπ€¦ββοΈ Medj nakakainis. Pero hinayaan ko nalang. Nakakastress lang. Haha. Pag nabisita sila at naaabutang naliligo si LO, yung binili nila ang ginagamit ko. Pero pag kami lang, ginagamit ko yung binili namin. ππππ
Yung nanay din ng asawa ko ganyan na ganyan sabihan ba naman ako lagi na ang nipis ng nabili kong baru baruan sa baby ko, comment ng comment ni di naman kaya mag provide. Alam mo minsan yung ganyang pasaring nila may meaning o ngayon lumabas ang tunay na ugali kung ano ano sinasabi saakin pag nakatalikod ako sa asawa ko. Nakaktawa nga e parang wala syang gustong maging asawa anak nya lahat ng babae maging jowa ng anak nya may bad comment sya hahah
Buti ka pa mabait byenan mo, sakin naman wala namang pakealam sa magiging apo. Ang palaging bukangbibig, pengeng ganito-ganyan, yung kailangan lahat ng meron kami dapat may hati sya ultimong manggang hilaw na 15 pesos ang kalahating kilo hihingi pa makikihati pa kahit iilang piraso lang. AT NAPAKADAMOT! Mas kinakamusta pa yung mga aso kesa ako or sa magiging apo nya. hays ayoko nalang magtalk kasi nakakagigil.
Medyo nakaka-offend as a nanay talaga pag napupuna yung mga binibili/ginagawa natin for our baby. But in this case, I would choose nalang to look on the positive side na concerned si MIL kay baby at willing sya magbigay ng mga gamit. Nasasayo naman po yun mommy kung paano nyo po ihandle at tignan yung situation, ang mahalaga lahat po tayo iniisip what's best for our babies. βΊοΈ
may mga tela naman kasi talagang panget ..Meron na magaspang/meron naman na mainit sa katawan ..Kaya sinasabi ng panget ang tela even ako kapag umorder ng damit ni baby then pagdating pag panget ang tela sinsabi ko din kasi medyo sensitive tlga minsan skin ng mga baby ..Pero kung sa tingin mo hindi naman iapagsawalang kibo mo naalng sadyang mselan si biyenan mo sa apo ..
Anonymous