Ano po dapat gawin para mabuntis? Ang hirap ko kasi magbuntis gusto ko na po sundan yung anak ko...

Lumalabas lgi wng tamod ng hubby ko pagkatapos nmin mag love making kahit lagyan pa unan wla po talaga ano po kaya pwd ko gawin?

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi kasi talaga ko believer ng mga hilot hilot. Feeling ko mas makakasama pa yun kesa sa mabuntis ka. Mas maigi pa na magpaalaga ka sa ob mi. Mag healthy living kayo pareho ni hubby. Hindi pwedeng ikaw lang. Try nyo iaddress both kayo if wala kayo problem. Wala ka pang pcos? Okay ba ang semen ni hubby. Kami din kasi sobrang natagalan kami bago ko nabuntis. Di pa kami kasal di din naman kami nag cocontrol pero di ako nabubuntis. Hanggang sa ikasal kami at gusto na talaga namin mag baby wala talaga. Nag healthy living kami. Workout kahit sa bahay, calorie deficit. Nag vitamins, as in nagpaalaga ako kay ob. Pinag pills din muna ako for 3months para maregular ang period. Ayun after ko mag pills nabuntis na ko. At syempre mi kelangan madaming prayers. Alam mo ung semen ni hubby mababa man o mataas matres ng babae may lalabas at lalabas talaga. Mag unan ka man o ano, pag tumayo ka lalabas talaga. Very normal and natural un mi. Kaya wag mo ipag alala yun. Pacheck up kayo both ni hubby.

Magbasa pa

Try these: 1. Track your ovulation period or yung period na fertile ka at pwedeng mabuntis. Merong app na kayang mag track ng ovulation period mo, MY CALENDAR yung name ng app, you just have to put kung kelan ka huling niregla. 2. Avoid having sex at least 2 days bago ang ovulation days mo 3. Have sex during your ovulation period EVERY OTHER DAY, not every day. Give time para makapag ipon ng strong and fast swimmers (sperm) si hubby 4. Avoid stress. Napaka importante nito. Ienjoy nyo lang ni hubby ang sexy time. 5. Take multivitamins and folic acid once a day, it will boost your immune system and fertility. Pati si hubby dapat mag vitamins din. Normal lang na lumabas ang tamod ni partner after sex, pero hindi ibig sabihin nun na wala nang swimmers na natira sa loob. All these tips ay nakuha ko from my former ob nung nagcoconceive kami ni hubby for our first baby. Dalawa na baby ko ngayon 😊

Magbasa pa
2y ago

My Calendar app nakahelp sakin. 8weeks preggy na ako ngayon. maganda talaga kung alam mo kelan ang ovulation day mo. syempre healthy living din dapat.

if TTC mas maganda po paconsult ka muna kay OBgyne mo po para malaman din ang dahilan ng hindi mo pa pagbubuntis..Isa din sa factor ay stress, change diet din at mag vitamins kayo.. at dapat alam mo din menstrual cycle mo para alam mo kelan ka ovulating... btw ganyan din po kami 6years bago namin nasundan si panganay.. ngayon may baby na kami ulit.. kung kelan hindi din kami na nag eexpect muna dahil napakatagal bago ipagkaloob sa amin saka naman biglang binigay samin ni Lord si 2nd baby..❤️pray kayo palagi mommy ibibigay din senyo yan ni Lord sa right time.. at Yun nga tulad ng Sabi ko pacheckup ka po.. Godbless

Magbasa pa

work up ka sa OB-GYNE para ma check kayo both ng mister mo, ipa seminal analysis mo sya at ikaw may mga laboratories ka din bibigyan kayo ng doctor ng mga gamot para matulungan kayo ng mister mong makabuo, wala masama bumisita sa eksperto (ObGyne Physician) mas maiging safe ang source ng iyong information, at well-detailed na makausap ka ng doctor

Magbasa pa

download po kayo flo app tapos record niyo doon bawat regla niyo po. may high risk pregnancy na makikita doon sa calendar ng app, sa date na yon po kayo mag love making dahil dyan po kayo mabilis mabubuntis sa date na yan. ganyan po ginawa ko at ilang weeks palang buntis na ako agad. going 5 months na ako now.

Magbasa pa
2y ago

cge po maam try ko po maam.thank you po.

Pahilot po kau kc aq din ganyan po nalabas din ung anu n hubby sakin pus ng pahilot po aq ng 2beses at cnu od k ung payo ng nghilot sakin n lagyan ng unan ung balakang or umibabaw dw po aq s awa ng dios 27 weeks & 3 days pregnat n po aq hope po n mbuntis din po kau agad☺️

mag love making po kayo ni hubby mo right after mo mgkamens.. araw arawin nyo or kung kaya, higit sa isa sa isang araw.. gwin nyo yan hanggang 1 bwan..ewan kona lng.😅pero pag dumting pdin ung mens mo the next month, consult kna sa ob.. bka may problema kaya dika na mbuntis

kahit anong gawin mo lalabas at lalabas naman talaga yan. don't worry pumapasok pa din yun nag oover flowing lang. you can do it every other day.. take folic and and vit. d3.. wag ka masyado ma frustrate s pag gawa ng bata just do it with love..

2y ago

thank you po 😊🥰

pa check up po kayo sa OB momsh. kami din po nahirapan ma sundan yung eldest namin, 10years gap nila. May PCOS po kase, isa sa reason why nahirapan po kami makabuo ulit. nung nagpa alaga po ako sa OB after 2 months nabuntis na po ako.

try mo Po makipag sex pag fertile ka pag tpos Ng regla mkkita Po yun sa calendar method ganun Po ginawa nmin Ng hubby ko eh kasi gusto na din nmin sundan panganay namin , nsundan Po Ngayon 8weeks pregnant na ko