I carried an Angel❤️

We lost our baby today. Wala xang heartbeat ng nagpa ultrasound kami. Pero hindi ako nag spotting or anything. Hindi rin sumakit puson ko as in wala lang. Binigyan ako ng meds na magpapa open ng cervix ko para daw may lumabas na na mga dugo/laman at after that saka palang ako raraspahan. May mga cases na ganito daw (missed miscarriage) sabi ni OB. Nag stop ang development ni baby ng 8weeks plang xa. Ang sakit lang.? Sobrang sakit. Hindi pa xa ganun ka develop pero mahal na mahal nmin xa. Hiniling namin xa, pinagdasal nmin xa pero ang sakit2 lang na kinuha ka agad sa amin.????

81 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

merun po dto sa amin asawa ng pinsan ko last year po, as in pinagbuntis nya ng sobra 8months then nagtataka sya but sumasakit likod nya at naga spotting nagpahilot naman sya at sabi nung kumadrona maayos naman ang baby peo nag 2nd opinion sya sa ibang manghihilot wla daw makapa na baby ung manghihilot kaya sinabihan na magpa ultrasound sya...then nung nagpaultasound sad to say wla pala syang baby sa sinapupunan nya :( nagtaka ako kc andoon din ako that time ehh malaki naman tyan nya ang paliwanag ng ob laht daw nung nararamdaman nya na signe ng pagbubuntis ay imagination lang daw kumbaga un na kc ung nakatatak sa isipan nya na buntis sya kaya nakakaramdam din daw ng signs peo sa korte po ng tyan ndi daw tlga buntis kc ndi ganon ang tyan ng buntis...mataba po kc sya kaya dimo tlga mahalata...doon naman po sa ndi nya pagreregla every month is dahil un dugo na dpat ialalabas ay tumigas may nakikita nga sa ultrasound na maliit na dot so niresetahan sya ng gamot para doon hanngang sa nagdugo na ng marame..

Magbasa pa

momshie 8weeks po baka naman nagtatago lang ang baby mo😩 try nyo po magpa repeat ulrasound pag naka 3mos kna po. ganyan din kc ako ngaun sabi wla na baby ko wla din ako naramdaman. 2 days ako umiyak, nagbasa ako ng nagbasa ng mga articles gang maka kita ako ng positive sign kaya after non, thas was April 27 wla ako ginawa kundi huminge kay Lord ng miracle na nagkamali lang un findings sakin kc meron din tlaga cases na dipa nagpapakita si baby same with my colleague ganon din wla daw HB baby nya after 3mos sya nagpa check up and don nagpakita na si baby now shes 6mos preggy. me katatapos lang ng 3mos 14weeks and 4days hoping for a positive result for my next check up. kc hindi naman lumiit tyan ko lumalaki naman baby bump ko kaya alam ko andyan sya. try a second opinion ganon din gagawin ko. listen to your instinct kung anong nararamdaman mo. Hope It will help.

Magbasa pa

hi.. hnd ko alm kung paano ako napunta sa post mo.. at hnd ko dn alm if mababasa mo ito.. pero super naiyak ako.. SAME CASE tau.. as in.. 11weeks ang bilang ko..pero 8weeks wala na pala sya saken..yung post mo yan lahat nangyari saken. lam mo.. first baby namen sya.. sobrang lungkot..maraming bakit.. sobrang depressed ako that time.. bakit sya nawala.. no words to comfort me.. hnd ako makausap. hnd ako nagsasalita. pero alm mo.. mabait si God.. nabuntis ult ako aftr two months nalaman ko buntis ako. sobrang saya at sobrang takot ko. baka mangyari na naman.. pero uulitin ko mabait si God four months old na ngayon ang rainbow baby ko.. sis lahat may dahilan. tama lang na umiyak ka, hindi na sya mawawala sa puso mo. hindi talaga sila para satin. kahit sobrang sakit kailangan natin unawain ang sitwasyon. godbless you sis! magdasal ka.. sa ngayon kay God tau kakapit.

Magbasa pa
5y ago

Sis same case tayo. Please message me😭

sorry for your loss mommy and i feel you. kami din naranasan nmin yan. our baby stop developing at 7weeks, sobra sakit din kasi first nmin at hiniling din nmin. pero we understand n baka may big plans si God para samin and we are happy na naranasan nmin maging parents even for a short time. we prayed again and asked for another 1 after 4 mos we found out that we will have another chance to be parent, i got pregnant, im now 12 weeks n and healthy nmn second baby ko and super alaga kmi.. we are so grateful and happy that we have a another chance but we will never forget our first angel. dont lose hope mommy be strong and pray to God always.

Magbasa pa
6y ago

thank you mommy.. ang sakit2 lang talaga.. 😞😥

Ganyan din ako nung 2017. 20weeks na dapat sya. Nung araw na nagpaultrasound ako di pa yun mismo sched ng ultrasound ko. naexcite lang kami ng husband ko malaman gender ni baby kaya naadvance pagpapacheckup ko sa ibang clinic pa. tapos nung nakita wala na pala heartbeat at mejo deformed na din sya. sobrang sakit nung nalaman namin yun. then iraraspa dapat ako pero ayaw magopen ng cervix ko. nag oral na ko saka binigyan nung pampalaglag kaso ayaw talaga mag open ng cervix kaya no choice OB ko kundi iCS ako. sobrang hirap ng pinagdaanan ko na yun pero thankful pa din dahil safe ako.

Magbasa pa
6y ago

maiksi daw po yung umbi. cord nya kaya di daw naaabsorb ni baby yung nutrients sa mga kinakain ko.

Last November, 2018 nangyari din sakin sis na kailangan ko din ilabas na dahil anembryonic pregnancy (no embryo) yung case ko. Tama ka sobrang sakit pero alam ko meron purpose si Lord sa lahat, thanks God yung mga taong nakapaligid din sa akin binigyan nila ko ng lakas ng loob. I know it's not easy sis pero trust His plan. Nalabas ko siya ng December, 2018 pero iba ang surprise ni Lord after 2 mos. nabuntis na ako ulit and I'm 13 weeks pregnant. Keep the faith sis! be strong and always pray. Nothing is impossible with our God. 🙏❤🙏

Magbasa pa
6y ago

hello o sis pano niyo po nalaman na no embryo? sa ultrasound po ba? at ilang weeks na po kayo nun? congrats po sa new baby coming.

may ganun pala ?😢 ,,, haist kaya minsan talaga dapat pinakikiramdaman yung tyan , madalas kase tanungin ng ob sakin kung may nararamdaman ako lage na pintig sa tyan ko , sinasagot ko lage minsan lng minsan wala ko nararamdamn 😢 nakakatakot pala pag ganun ,,,same di rin ako ng be bleed pro nakainum ako ng dlwa anti biotic pro di ko pa alm na buntis ako😢 sna wla effect , malaking impak sa mommy yung ganyan yung di pa lumalabas si baby pro wla n sya sa tyan pa lang 😢 . stay strong po

Magbasa pa

My sympathies all goes out to you mommy. Rest assured hindi kinuha ng Diyos ang baby mo.. Job 34:10, Imposibleng gumawa ng masama ang tunay na Diyos;Hinding-hindi gagawa ng mali ang Makapangyarihan-sa-Lahat. Its a bad thing to lose someone in death at ayaw ng Diyos na nagdadalamhati ang sinuman. Just keep praying mommy for comfort. I know u can get through this even if it takes a long time. H U'r also in my prayers...

Magbasa pa

I feel you sis March 6 last year nakunan ako 6weeks na baby ko nun high risk Kasi ako as in Wala akong nararamdaman kahit na anong bigat sa puson ko nun tapos bigla na Lang ako nag bleed Ng sunod2 na araw pero ndi masakit niraspa ako that time pa Lang ako nakaramdam Ng pain nung pinainom ako Ng gamot.. after 6months na buntis ulit ako sis and now I'm 26weeks and 2days pregnant God is good all the time..

Magbasa pa

I feel you, aqo rin niraspa eto lang lunes. Sobrang sakit talaga.. inuwi namin sya dto sa bahay at nilagay namin sya sa bagong paso at tinaniman namin ng bulaklak. Pra ksama prn nmin sya. Ung bby qo nagstop ung heart beat nya nung 7weeks pa lang sya.. hwag taung mag alala bibiyayaan parn tau ulit ni papa God. Pro syempre ung angel natin forever na sila sa puso saten. Magpalakas lng tau ulit pra sa pamilya ntn.

Magbasa pa
6y ago

it's ok to cry sabi pa nga pero kelangan natin magging matatag pa lalo. Para sa sarili natin at sa nga hubby natin. Kaya natin to! 💪🏻