Breastfeeding ❤️

Looking back, when I was 5 months pregnant to this cutie, I am very confident na I can feed her with my breastmilk since that time may lumalabas na saakin pakonti konti.. Excited ako nun kasi looking forward talaga ako na mapadede sya sakin because I know it's the best choice to make and that she will become healthier. But there are alot of uncertainties talaga in life :) Di ko inexpect na maCCS ako, when she was born hindi sya agad nakadede saakin kasi ayaw nya maglatch and prefer to sleep siguro dahil sa epekto ng anaesthesia sakin na nakarating din sknya. Few hours passed, hindi pa din sya nakakadede and gutom na sabi ng nurse e hindi ko pa kayang bumaba sa NICU non (mgkaibang floor kasi), hindi naman ako makapagpump kasi ang colostrum di naman gaya ng mature milk na mabilis ang flow so wala kami choice to buy her formula. The next day kahit masakit pa din tahi ko pinilit ko nang makatayo para mapuntahan sya at mapadede kaso everytime na babain ko sya di pa din sya naglalatch sakin kasi gusto nya lang mgsleep ng magsleep so during times na wala ako formula pa din finifeed sknya ng nurses.. 2 days after, nung makauwi na kami sobrang full na ng breasts ko kasi di nalalabas ang milk ang sakit to the point na halos lagnatin na ako.. I have always been trying to let her latch on my breasts pero sobra tagal na nya nga dumedede sakin iyak pa din ng iyak pakiramdam ko di sya nabubusog so pinagtitimpla pa din namin.. The next days nung medyo lumambot na yung breasts ko, sumubok na akong magpump uli kapag tulog sya (di ko pa alam non yung power pumping kaya naffrustrate ako kapag konti lang napump ko).. Yun pala whatever we pump is not an indication kung kakaunti ang production natin ng milk or malakas, iba iba daw ang mommies ng kakayahan sa gano kadami ang mpproduce when pumped though malaking factor din tlga yung power pumping technique kasi ginawa ko na talaga ngayon.. And isa pa mukhang mahina pa talaga production kasi nagfoformula pa din sya and hindi ako gaanong nkakakain ng may sabaw.. I don't know pero nung mga panahon na yun, nalulungkot talaga ako kasi I felt like failure. Pero sabi nga wag tayong susuko. After 2 weeks pinilit ko talaga na paunti unting tanggalin na ang formula yung tipong once lang sya magganun hanggang sa sakin na lahat ang dedehin nya.. Now, she's turning 4 months and pure breastfeeding na, nagagalit na sya (pag may sumpong) kapag sumisirit na yung labas ng milk sakin. Hindi na ako nkkpgpump kasi letdown palang andami na which I store sa freezer na halos di na din naman mafeed sakanya kasi enough naman na yung direct sakin nadede.. I want to donate but I don't know how naman.. Instead, I have read an article na pwede ang breastmilk sa beauty regimen ? Di ko pa nagagawa but I am willing to try. Hehehe. Nakakapagod din magpadede along with other duties to do, nkakadrain talaga ng energy at palagi ako hungry. 😅 But this breastfeeding journey is really rewarding for me. ❤️ Wala lang mommies, naisipan kolang ishare kasi kakadede lang sakin ni baby and natuwa ako sa pic namin. 🤗 #breastfeeding

Breastfeeding ❤️
10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Congrats mommy on your breastfeeding journey! 🤱

4y ago

Thank you po 🤗