Paano Singilin Sa Utang Ang Ate ni LIP?
*LONG POST* Hi mommies! I just want to vent my frustration. I'm 16 weeks preggy. Yung sister kasi ng LIP ko may utang sa akin. Nangutang siya sa akin noong July 2017 ng 1,000 at nag-promise siya na babayaran niya pag nagkapera na siya sa Aug. Nakiusap pa siya sa akin na wag kong ipagsabi sa bf ko nun (now my LIP) kasi ayaw niyang magalit sa kanya yung LIP ko at usapang matino daw namin yun. So ako, dahil sa pakikisama at tiwala, pinahiram ko at hindi ko pinagsabi kay LIP na may transaction kaming ganun. Ako pa nga pumunta nun sa bahay nila sa Manila kahit may work pa ako nun sa Mandaluyong. Nung lumipas yung Aug, nag-chat siya sakin na Oct na lang kasi walang pera. Tapos lumipas ang Oct, chat ulit siya na pag nakuha na yung 13th month ng asawa niya tapos nangungutang ulit pero di ko na pinautang. Nalaman na din po ng bf ko na nangutang ate niya kasi siya unang nakabasa nung chat na umuutang ulit ate niya. Gusto nyang komprontahin ate nya pero sabi ko wag baka sakin naman magalit. Natapos 2017 wala pa din. Simula ng 2018 hanggang natapos yung taon, wala na siyang chat nun. Ako gusto ko ng i-chat kasi para i-remind kaso naisip ko na baka isipin niya mukha akong pera. Nung Dec 2018, nag bday ang papa nila. Nung nagkakasiyahan nagkwentuhan kami. Knwento niya sa akin kung gaano kamahal yung slippers ng anak niya kasi Havs yung brand tapos yung presyo ng sabon ng anak niya kasi Cetaphil. Nainis ako kasi mayabang yung way ng pagkekwento. Gusto ko na siyang singilin nun since nakabili naman siya ng ganung gamit. Jan 2019, siningil ko siya thru chat sabi niya wait niya lang daw yung pera na makukuha na pinangako ng pulitiko sa lugar nila. Sabi ko, Ate need ko po kasi yung pera alam mo naman wala na akong work, then sabi niya okay daw. Bago matapos yung week na sinabi nya, nag rant siya sa fb na hindi daw natupad yung pangako ng pulitiko. Expected ko nang hindi niya ulit ako mababayaran. Nung Feb po, dahil lagi pong mainit ulo ko, sinabihan ko si LIP na kailan ba ako babayaran ng ate niya kasi anong petsa na. Sabi niya, siya na daw magbabayad. Nagalit ako sabi ko kaya hindi responsable mga kapatid mo sa pagbayad ng utang kasi sinasalo mo lagi mga problemang pinapasok nila. I need your thoughts, mommies. Tama lang ba 'tong ginawa ko or baka nagiging masama ako sa halagang 1k? Paano ko ulit siya sisingilin? Or dapat ba na ipagpasa-Diyos na lang yung utang? Sobrang nag-iinit kasi ulo ko sa ate niya simula nung nagyayabang sa akin. Yung asawa niya messenger tapos may 4 na jeep na pagmamay-ari nila pero malakas magpatalo sa sugal. Kuripot po ako at ayokong wala akong madudukot. At malaking halaga na yung 1k para sa akin lalo na't magkakaanak ako at wala na akong work. Thanks po sa pagbabasa pasensya na kasi mahaba.