Note: Long reply. Hope you take time to read it and find it helpful. 🙏
Nakapagusap na ba kayo momsh ng masinsinan? Or natry mo na bang sabihin sa kanya yung mga saloobin mo? Medyo halos same kasi tayo, may permanent work and not to brag pero mas malaki talaga kinikita ko sa husband ko.
By the way, we got married last year kasi nga nabuntis ako, though we had plans already na magpakasal. Nauna lang si baby kaya things have changed. But yun nga, early last year, nakakapaggrab pa sya so may kinikita kaso dahil nagpandemic, humina. Parang tinamad na rin sya bumyahe so walang pera kaya lahat ng gastos sa check-up up to panganganak ko via CS na umabot ng malaki talaga wala syang ambag as in. Ayokong umasa sa family nya kasi sya dapat pero wala nga e. So hinayaan ko lang. Iniintindi ko. What I am very grateful lang din talaga sa kanya is hindi naman nya ko pinabayaan. Kasama ko sya sa lahat ng check ups ko. Tinutulungan nya ko kay baby, mga ganon. Bukod sa financial issue, okay naman ako sa kanya.
Pero going back sa sinasabi ko na kung nakapagusap ba kayo or nailaydown mo ba sa kanya yung concern mo.. Kasi ako sinasabi ko talaga sa kanya. Sinabi ko na ayoko na ako lang gumagastos para kay baby. Di ko sinasabing taasan nya yung sinasahod ko but I just want na mafeel na dalawa kaming may responsibility sa pamilyang binubuo namin. Kaya yun, thank God, may nag-offer sa kanya ng work. Though maliit talaga sahod nya compared sakin pero I thank him na nag-a-allot sya ng budget for our baby's needs. Di ako papayag na ako lang. Kasi gusto rin namin makapag-ipon para makapagbukod na rin kami. Also, sinabi ko rin sa kanya before na kaya kong buhayin mag-isa yung baby namin.
When it comes sa online games, sya rin ganon. Pero not to the extent na di nya papansinin si baby. May moment na salitan din kami sa pagbabantay kay baby sa gabi para makatulog naman ako. Tsaka kahit hindi kay baby basta naglalaro sya tas may pinagagawa ko, pag di nya ginagawa pinapakita ko talagang naiinis ako sa kanya kasi simula palang nag-usap na kami dyan sa paglalaro nya. Hindi ko sya pinipigilan pero hindi ko rin sya tinotolerate na magsobra sobra sa paglalaro. As they say, "you deserve what you tolerate."
May point is, work out first your communication with each other momsh. Kasi ako I even asked my husband kung mahal nya pa ba ko pag nagtatampo ko sa kanya pag minsan feeling ko di nya na ko natitreat the way he treated me nung magbf-gf palang kami. Then, ayun, bumabawi sya. Pag may mga bagay na di ko kayang sabihin in person, chinachat ko talaga sa kanya. Though iniiwasan ko talaga maging nagging wife. I just poured out yung nararamdaman at iniisip ko sa kanya.
Napagusapan rin kasi namin before na dapat sabihin namin sa isa't-isa lahat. Kasi kami lang din naman ang magtutulungan. Hindi kami dapat umasa sa family namin kasi may sarili na kaming pamilyang binubuo.
Pero may isa pa, momsh, before ko sabihin sa kanya, I really pray about it. Ayoko rin kasing mamisinterpret nya whatever na sabihin ko na mag-cause pa ng away namin. Thinker kasi ko, and ang hirap pag di ko sasabihin sa kanya yung naiisip at nararamdaman ko kasi maiipon. Sasama lang talaga loob ko sa kanya na baka maglead lang na lumayo yung loob ko sa kanya.
Ayokong maghiwalay kami di dahil ayoko ng broken family but because mahal ko naman talaga sya and I promised to him nung kasal namin na I will always choose to love him everyday. I may not found the perfect person but I will perfectly love the person I found.
"Falling in love is by chance but staying in love is by choice."