Partner na Hindi makapag ipon at puro online game magdamag
Long post ahead. I need some wisdom mga Momshies. Kahit noong pinagbubuntis ko palang si baby hindi ko na talaga kinakitaan ng pagiging masinop sa pera 'tong claimed partner ko. "Claimed" nalang siya para sakin dahil diko naman maramdaman kung ano'ng sense ng partner sa pinaggagawa niya. (Mapride siya at everytime na magoopen up ako feeling niya pinopoint out ko agad na may mali sakanya) May time noon na nagiipon ako before pandemic yun, inoobliga ko siya para kung sakaling may gusto siya bilhin in the future may mapagdukutan or kung sakaling magkaemergency may magamit. "Ikaw lang naman may gustong magipon" yan yong diniin niya sakin pero pag may gusto siyang bilhin gusto niya agad agad. Ang masaklap pa sakin din naman hihingi. Sinasabihan ko siyang magtipid at wag bumili ng kung ano ano para sakin dahil ang ending din naman before pa dumating yong susunod na sahuran niya manghihingi na siya ng allowance sakin. Kumbaga yong mga binili niya para sakin babayaran ko lang din. Parang nakakastress na kasi yong burden ng expenses mula sa check up kay baby hanggang noong lumabas siya ako ang may pasan. Kung magbibigay man siya ng pera, sa mga susunod na araw makukuha din lang niya. Isa pang kinakagalit ko, paglalaro niya ng online games. Sasabihin niya yun lang daw stress reliever niya pero kung maglaro siya aabutin ng hanggang madaling araw. No'ng dito pa siya natutulog sa kwarto namin ni baby, hindi nga niya magawang bitawan yong phone niya para patahanin si baby. Talagang makakagisingan ko pa kahit pagod sa maghapong pag aalaga ako padin magpapatahan kahit gising naman siya. Mula noon di ko na hinayaang maging close pa siya sakin o kahit sa anak ko. May pagkafamily oriented ang parents ko kaya nahihirapan akong magdecide kung ano'ng gagawin. Parang hindi siya maggogrow up kung hindi nanay niya yong mangpapangaral. Sa totoo lang gustong Gusto ko na siya isauli sa nanay niya. Wala nakong maramdamang emotional attachment dala nadin siguro na neglects noong nagbubuntis ako. Nangingibabaw narin kasi sakin na parang ang beneficial ko lang sakanya. May permanent work po ako at kaya namang ibigay needs ng baby ko. Any advice will be appreciated. Wag lang po sana'ng bash.