Weirdest PAMAHIIN

Logical kasi ako and unless walang scientific evidence or kahit slight link ng pamahiin saka nung pedeng mangyari, hindi ko pinapaniwalaan. So recently naglaba ako ng mga damit ni baby, at dahil late ko na naisampay at may ginagawa akong iba, inabutan na ng dilim sa sampayan. Sabi ni mama, wag daw paabutin ng dilim ang sinampay na damit. Kasi masama daw. Kako bakit? Mahahamugan? Hindi daw, basta daw masama. Ang weird. So aun naiiwan ko pa rin minsan ang sinampay. Hahaha. Kayo anong mga weird pamahiin na narinig nyo?

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Diyos naloka din ako sa pamahiin na sinasabi nila kay hubby. Noong nilabhan ko na mga damit ni baby (kasi nagpreprepare na ako ng mga dadalhing gamit sa hospital) noong natapos na akong magsampay tinanung ako ni hubby kung piniga ko daw ba mga damit ni baby, sagot ko agad oo. Tas sabi niya, hala bawal pigain damit ni baby kasi malulukot-lukot din daw si baby. Super worried naman ako.

Magbasa pa
5y ago

Hahaha. Meron pa sa piga, wag daw pigain ng maigi yung lampin, magiging bugnutin daw si baby.

Scientific explanation: ung mga germs at bacteria daw po ay bumababa sa lupa mga time na pahapon mga 4-5pm.. Baka po mapunta sa damit

Yes po. Pero sabi po yung mga underware is bawal na maabutan ng gabe sa labas masama daw po kc yun. Lalo na sa mga gmit ng bata

5y ago

Not sure po kung pati sa manila naniniwala jan

VIP Member

Kaloka nga mga pamahiin e. Ang ayaw ko lang yung lalagyan ng sinulid na may laway ang forehead ng bata pag sinisinok. Eeewww

5y ago

dilikado po yun mommy, kz once na natuyo na yung laway sa sinulid my chance na mapunta sa bunganga ni baby yung sinulid

Sabi din po yan ng mother kasi daw mahahamugan magiging sipunin daw c baby pag naisuot yung nahamugan na damit

5y ago

Di ko pa naman hindi sinunod momsh. Kahit di naman inaaabot tlga ng hapon yung mga damit ng lo ko

I think sa insekto or bacteria sis kaya di maganda na iniiwan sa gabi yung sampay.