1846 responses

feeling ko may effect talaga si baby 2 months old palang may times na nagwawala sa loob ng bahay, nabobored siguro pag inilabas namin natahan.. tas pag may check up sya at nasa car na ang saya saya nya, feeling ko kahit na baby pa lang sya he is also feeling bored in the house. kaya ginagawa namin habang may curfew at walang tao sa subdivision namin, early on the morning iginagala namin sya sakay ng stroller nya sa buong block namin para pagbalik sa loob ng bahay wala syang dahilan para umiyak. πππ
Magbasa pahirap mag-adjust anak ko, kasi hindi na nakakalabas, walang ibang kalaro na bata at nakakausap na ka-edad nya. kaya nun minsan na may nakalaro syang bata sabi nila may sariling mundo anak ko. π
yes, di nila nafefeel pagiging childhood pagka palagi lang nasa bahay nagmumukmok. Di kqya palagi lang nanunuod sa cellphone. Iba parin kasi kapag naeexperience nila ung nadadapa, nagtatakbuhan.
Yes, 4 months old na siya lately pinapalabas ko siya pero hanggang gate lang kami para makakita siya ng sasakyan or ibang tao. Naawa nga ako kasi di manlang siya maka explore sa labas π.
Yong anak ko laging sabik kapag sinabi ko na lalabas kami bibili lng sa tindahan sa baba namin. Tapos ayaw na pumasok sa bahay dahil alam nya makukulong na naman sya
Meron ,Kasi hindi po siya nakakalabas at hindi pa nakakita maraming tao o sasakyan .
yung anak ko pag ilalabas q para mamasyal eh di na nya gustong umuwi sa bahay
Nakakaawa ang mga baby or toddler na lumaki ngayong pandemic sa totoo lang.
yes specially sa learning, communication, and physical activities
it depends upon the parents ako i explain to her the situation.



