payat si baby girl

LO is 1m, 15d She's currently weighing 2.6kilos which is yung birth weight pa niya. Gusto ko sana mag exclusive breastfeed pero ito yung kalagayan ni baby. Lately, nag supplement kami ng formula once or twice a day lang. Then pinapainom nmin ng VCO as per pedia's advice. Hindi pa nmin natanong ang pedia if there's something wrong sa milk ko at kay lo. Naawa na ko. Next check up she needs to be 3.5kilos daw. Payat niya talagang tingnan. Walang pata na hita. Puro muscles lang. Pero siyempre po, hindi kami sumusuko. Meron po bang same case dito?

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ano po sabi ng pedia mommy? Hindi po normal yong ganun kasi. Ang sabi ng pedia ng baby ko normal pag bumaba ang timbang nya from birth to 2 weeks kasi nag aadjust pa ang breastmilk natin. Pero kasi more than a month na siya. Baka kulang ang gatas mo at kailangan mo mag supplement more. Gisingin nyo siya mommy every 2hrs para magdede sayo.

Magbasa pa
4y ago

Mamsh, maya't maya siya naka latch.. Tapos wala pang 5mins, inaantok na siya. Huhuhu hnd nga normal kasi lately pa ang niya na-gain ulit yung birth weight niya. Nagssuplement na kmi ng formula.