My little One!
Lmp feb 6 Due nov 12 Date of birth oct 17 Via Cs 3rd baby. 2.2kg 36 weeks and 2 days Skylie Amara Share ko lang mga mommy sa 2 kong nauna baby is normal lang ako pero dito sa bunso ko dito pako na cs ganito po kasi un mga mommy's maliit lang po kasi tummy ko.. Kumpara sa mga ate nya bale po pala 7 years old na po bago nasundan. Nag pa pbs po ako nang oct 3 at ung panubigan ko ay nasa 8 cm nalang.. Kaya pinapaulit ni ob ko after 1 week at pinainum nya ko nang madami tubig pag tapos po nun. Oct 17 nag pa bps po ako nung umaga at nag groceries pa todo lakad pako at kain pa nang bongga sa mang inasal hehe.. Pag uwi galing bahay tinawagan ko si ob at sinabi ko na nasa 5 cm nalang tubig ko.. At nag nag panic na sya kailangan ko na dw pumunta nang hospital kasi delikado dw po ung tubig ko.. Pag dating po sa hospital nilagyan ako nang NST para makita kung stress na si baby.. At nakita nga meron dw po at naka 2 un ang narinig ko. Panic nako kasi nagbubulungan na sila tpus may lumapit nakausap na dw nila ob ko at papunta na dw para i cs ako.. Jusko mga mommy's kung kailan bunso na duon pako ma ccs diba.. Worth it naman lahat nang sakit at pagod at sakit nang tahi parang 1st time mama ka ulit kasi malaki na ung 2 ko.. Sana may natutunan po kayo. Ps po pala sabi nang ob ko pag konti ang tubig di dw po lalaki ang baby sa loob kaya po pala kahit anong laklak ko di lumalaki baby ko.