Live In O Kasal?
Live in o kasal?
Kasal syempre. Pangarap Kong maiharap sa altar. Pinagdasal ko na makahanap ng lalaking papakasalan muna ako bago magkaanak. Pwede naman na kilalanin ang isat isa na hindi nag lilive in. Iba pa rin ang May basbas ng Dyos. Mas protected ka rin at mga anak mo. May habol. May rights. Ganun.
Kasal. Inalis ko sa isip ko yung "HINDI KAMI MAGTATAGAL, IIWAN NYA AKO, MAGLOLOKO SYA" kasi, gusto ko ng pamilya na kahit mahirap, pagsusumikapan na maging maayos. At saka bago ako pumasok sa relasyon, pinagdasal ko sya. Hiniling ko sya. Tiwala ako sa pinili kong mahalin.
Live in then kasal. Yan ginawa namin. Madami akong natutunan nung nag live in kami. Takot din ako magpakasal nung una kung hindi namin na experience mag live in. Kasi dun ko nalaman na may mga bagay pa pala ako dapat baguhin sa sarili ko. And now, we're married. =)
maganda sana kung kasal muna, kaso baka pag kasal na kayo tsaka pa may magloko isa sainyo kaya maglive in na muna kayo kung hindi pa kayo handa sa kasal kasi pag kinasal na kayo sala ng back out back out tapos mahal pa magpalegal separation or annulment
for me kasal in case magkababy kayo legitimate si baby sa documents and magagamit nyo din benefits nyo as magasawa like sa philhealth... and massecured kase pagkasal kayo pero depende pdin naman yan case to case basis padin depende s gusto nyo
live in first before kasal mas maganda ng makilala mo ang partner mo.kesa magsisi s huli minsan kac maraming mga lalaki n s una lang mabait, s una lang ok pero kapag tumagal n parang wala na tpos kasl p kau mahirap kapag nkatali k na
I'm married already. But for me, Live in po muna.. Dyan din kami galing. Mas makilala mo kasi partner mo. Sa amin kasi, While living in, everything is planned, wedding, house, etc. After moving in sa house, our precious gift came in.
mas ok kung kasal muna pero para sa akin mas ok kung live in muna para atleast mas makikilala mo pa yung tao na pakikisamahan mo,mahirap na kumalas sa sitwasyon pag nagkaproblema lalo na kung nakatali kana..opinyon ko lang naman 😊
Live in po muna para ma kilala po ninyu ang isat isa kung mag wowork po ba ang relationship nyu kasi sa panahon ngayun yung iba di pa sure sa partner nila . Tapos ang ending mag hihiwalay kasi di pa nil Kilala ang isat isa eh.
live in for 12 yrs...kilalang kilala nmin ang isa't isa wla nman nagloko samin may mga bagay lng na ndi magkaintindihan pero naaus nman agad nmin..ngaun 7months na kming kasal stay strong pdin kasama mga anak nmin..