COMMON SENSE

Listahan ng mga madalas itanong dito na hindi ginamitan ng common sense, Google or celfone load pang tawag sa kanilang OB/Midwife para magtanong: 1.) Uploads a photo of used PTs and asks, "POSITIVE PO BA??" kahit kitang kita naman ang result and may instructions dun sa box/plastic wrapper. 2.) Uploads a photo of their tummies and asks, "Mababa na po ba?" kahit around 32-33weeks preggy palang sila. 3.) Uploads a photo of their OB prescribed vitamins/medicine and asks, "Safe po bang inumin to?". Sorry ha pero hello gusto mo ba bigyan ka ng lason ng OB mo? 4.) Uploads a photo of their pantyliners/panties with mucus plug/bloody show and asks, "Ano pong ibig sabihin nito?" or "Kailangan ko na po bang pumunta sa ospital?". Ate girl sasabihin naman siguro sayo ng OB/midwife mo yung mga signs na malapit ka na manganak kung magtatanong ka lang. Pwede rin Google. Pero kung di mo pa naman kabuwanan at nangyari sayo yan, edi common sense nalang po, itakbo mo na agad sa ospital kasi di normal. 5.) Asking, "Si baby or heartbeat na po ba ni baby yung nararamadaman kong pintig sa lower left abdomen ko?" pero around 1st trimester palang sya. Hay jusko to, pulso nyo lang po yon. Di mo pa mararamdaman ang baby dahil sobrang liit nya pa non as in super liit pa talaga. Uso magresearch kasi. 6.) Uploads a photo of their baby bump or ultrasound and asks, "Sa tingin nyo po? Boy or girl po ba?". Hindi naman po kami manghuhula pwede nyo naman pong itanong yan sa sonologist or OB nyo. +++Don't hate me please kasi totoo naman po na madalas nyong nababasa tong mga ganito dito. Pwede po bang magtanong kayo ng iba pang mas may sense bukod dito sa mga to? Yun lang naman. Thanks mommies. :)

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Super true. Pero minsan sinasagot ko pa din lalo na kung may contest na kailangan mag answer ng unanswered questions. Pang dagdag points na din kahit common sense lang kailangan isagot. Hehe

5y ago

same here hahahaha πŸ˜‰

So true. Yun iba spoon feeding gusto may internet naman pwede pangresearch.

5y ago

FTM lang po ako pero sa sobrang dami ko nang nabasa dito na paulit-ulit-ulit lang, pag search sa Google and pag aask lang sa OB ko is already enough knowledge para maintindihan mga nangyayari sa katawan natin habang nagbbuntis tayo. Uso din kasi magbasa-basa ng thread minsan. Para saan pa itong forum app na ito kung di naman marunong ng reading comprehension pati diba? 😁