7 Replies

Ako po momsh nitong lockdown, halos 2 months rin po akong no checkup with my OB. 'Nung nasa mga lagpas 1 month na kaming walang checkup, i felt desperate pumunta na ako sa birthing home dito malapit sa barangay namin mismo. Kahit na doppler lang ang ginawa sa akin (pinakinggan lang ang heartbeat ni Baby), medyo napanatag ako. Pero constantly akong nakibalita sa OB ko kung kailan siya magcclinic ulit after the ECQ. A week or so after my visit to the birthing home, ayun, nakapagpa-appointment ako agad sa OB ko 'nung nag-resume siya ng clinic. Pagdating ko doon, second patient nya ako 😅 Okay lang naman po magpatingin sa iba in the mean time. Desperate times call for desperate measures. Hindi naman siguro tayo masisisi for worrying kung ang nakataya na ay ang ating baby's health and safety. And ako personally, wala akong pakialam, gagawin ko lahat in my power to have my baby checked regularly.

Anytime, mommy! 🥰 please.. I really, really hope makapagpa-check na kayo as soon as possible. Kahit sa ibang OB basta dalhin mo lahat ng record mo -- lab results, ultrasound reports, prescriptions, etc. For your own peace of mind rin. Ako nga ito umorder pa ako ng home fetal doppler para lang ma-monitor ko heartbeat ni Baby 😅 Mas maigi nang praning kesa walang kaalam-alam sa nangyayari, and believe me, a lot of things can happen and a lot can go wrong! Maigi nang praning kesa pabaya. Godbless you mommy and your family 🤗

Usap kayo ng OB mo kung pwede sa kanya yung every other month. Ako kasi nag switch ako sa ibang OB na may clinic sa hosp and also sa house nila. Next check up ko sa house na lang nila and by sked lang tlga so wala ako kasabay pumila. Plus hindi na siya tumatanggap ng new patients kasi delikado nga daw. Buti na lang nakalusot ako kasi ni refer ako ng friend ko na nging patient dn nya.

Ako din nahirapan na sa former OB.. iniisip ko na lang baka super bz nya.. madami din kasi siya patients sa hosp. Anyways.. mas pinili ko maging safe na lang kasi mahirap pumila ng matagal sa hosp. Masyado mataas risk ma infect. Plus hindi ko masyadong maramdaman pagmamahal saken ng former ob ko.. high risk pregnancy pa naman ako 😅

Mas okay talaga if monthly, sis, para rin sa peace of mind mo and mamonitor si baby. Mula magstart yung lockdown hanggang 3rd week ng May, wala akong check up pero grabe pag-aalala ko nun hehehe. Pero kung kaya mo magpacheck up sis monthly, grab the chance na.

Try mo na lang lumipat sis, yung pwede ka magpa-appointment :)

Unless you have critical things to consult pwede naman teleconsultations or virtual. Pag time for lab test required parin magpunta, sis. Hanap ka ng OB na bago if walang virtual para mamonitor ka.

If QC ka, try calling Pacific Global and Providence Hospital. Lumipat kami dun kasi both are non Covis

Ok nmn sis kung wala kang na fefeel na masama. Pero much better monthly check up talaga. Pero kung ok na sa area nyo grab muna monthly check up.

Hi Mommy, yes need ng monthly check up. Ako nag change na ako ng OB ko para ma monitor din kami ni baby :)

Oo para makapag pa laboratory kana din if hindi mo pa sya nagagawa.

Sa brgy nlng po sa health center

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles