Matagal ka bang niligawan ng asawa mo? Tell us kung gaano katagal.
Matagal ka bang niligawan ng asawa mo? Tell us kung gaano katagal.
Voice your Opinion
YES
NO

6174 responses

342 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

unknown childhood friends kami. malimit kami maglaro dalawa pero hindi namin pangalan ang isat isa. kumbaga enjoy lang kami sa company ng bawat isa at hindi na namin naalala na tanungin ang pangalan ng isat isa. hanggang sa hindi na kami nagkita. highschool ako, may lumapit sakin, matanda. friend ng tatay ko. sabi nya hanap daw nya ng textmate anak nya, binigay # ko. nagka textmate kami ng anak nya, tapos after ilang months, nagdecide kami mag meet, bukod sa text, nilagawan nya ko personal. tapos naging kami. nagkahiwalay ulit kami. college na ko at graduating, bumalik siya at nagkabalikan kami hanggang sa nag proposed siya sakin. 4 yrs kami bf/gf hanggang nagpakasal kami. after namin magpakasal, nagka kwentuhan kami about sa past namin. may hinahanap daw siyang batang babae na malimit nya makalaro noong bata pa siya. sabi ko meron din ako nakakalaro, batang lalaki. hanggang sa unti unting nagtutugma mga kwento namin hanggang sa mapagtanto namin na kami palang dalawa yung mga batang naglalaro noon. tapos sabi nya para sure, saan lugar daw, sabay kaming sumagot ng "sa ilalim ng malaking puno ng mangga malapit sa tindahan at paradahan ng mga tricycle" narealized namin na kami pala talaga para sa isat isa. mag te 13 yrs na kaming kasal ngayong 2024 with 3 kids. πŸ₯°

Magbasa pa