Read my story

Hi. Let me share to you what am I feeling. 20 years old palang ako at 5months pregnant. I decided to stop studying and continue it next semester. Sad kasi, alam ko na mahirap maging isang ina kapag hindi handa. Pero, I know I am blessed. My partner cheated on me, may nangyayari sakanila ng girl at alam ng girl na may girlfriend and buntis ako. I decided na, patigilin siya sa pag susutento sa akin at sa magiging anak namin. Sa tingin niyo ba tama lang yun? Na hindi siya bigyan nag another chance. Kasi torn between, ako ang masasaktan kasi paulit ulit na naginagawa at lalaki ang anak ko ng walang ama. sobrnag hirap na desisyon. kaya kayo, wag kayong maging dahilan ng ikakasakit ng damdamin ng kapwa niyo babae. tulungan natin ang isat isa!?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Relate momsh 20 y/o got pregnant tapos yung baby gusto nyang ipalaglag .. Which is 3 months na baby namin sa tummy ko.. While pegnant never akong nanghingi sa kanya ng sustento ni piso . After a month nabalitaan ko na nagkaroon sila ng relationship ng girlbestfriend ko. At everday may nangyayari sa kanila .. Sobrang sakit nakaka stress afternun pinutol ko n lahat ng communication namin pinatawad ko sya kahit sobrang hirap para maka move on narin. At ngayon 6 months na baby ko .. At masaya naman sya sa feeling ko 😍 kaya mo yan momsh,, may mga dahilan lahat ng bagay nasasayo yan kung pano mo ihahandle atleast hanggat maaga nakikita mo na yung maliking ugali ng bf mo para di ka na magtagal sa paghihirap kasama sya ..staystrong momsh always pray fighting lang . Kaya mo yan. Hugs..😊

Magbasa pa

Hi Sis, for me it's okay na i-cut off mo na ang connection mo with your ex. First of all, buntis ka palang nagawa na niya mag-cheat and I think this ain't the first time. Mahirap sa umpisa na you'll feel alone and everything but when your baby's out lahat 'yun mawawala and s/he will be your inspiration. Bilib ako sa'yo kasi at that age you've come to a decision na patigilin siya sumustento sa inyo. Hindi naman kasi palagi sustento ang hahabulin sa tatay. Hindi naman yun yung mahalaga. Ang mahala yung presensya niya at pagmamahal niya ng totoo sa inyo. You'll be a great mom, girl. :-) I salute you because you already know your worth. Wag mo na siya balikan and cut-off mo na siya sa life mo. Once a cheater always a cheater.

Magbasa pa

If you can give your baby's need alone or by the help of your parents, why not? Hindi worth it yung mga ganiyang tatay. Yung mga tao naman dito na bukambibig eh sustento, pera pera nalang ba? This girl knows her worth, kaya siguro she decided to cut off everything. Sa mga nagsasabi din na mas pinalaya pa ang ama ng bata, in the first place sana hindi niya nagawa mambabae. Basic. Kaya ang daming martir. Okay naman maging single mom without the any help from the dad ah. It's not the always the money mga sis, it's about the sincerity and HOW TO BE A FATHER!!!!!

Magbasa pa

Bakit mo pinatigil ung sustento eh hindi naman para sayo un para sa baby un. Sira na nga relasyon nyo dhil binalewala nya feelings mo noong nakipag sex sya sa iba gusto mo ba pati sa bata kalimutan din nya. Kunin mo ang sustento na dapat sa baby mo . Wag kana bumalik dahil once a cheater always a cheater. Let him continue his reaponsibility sa baby let him pay the price. Hindi ung hahayaan mong mag fly na lang sya sa iba na walang jbang iniisip kundi sarili nya. 😡 g na g ako kase relatable haha

Magbasa pa
VIP Member

Okay lang na tumanggap ka ng sustento dahil may anak kayo kesa naman winawaldas lang nya sa babae nya ngayon be practical momsh para sa anak mo rin yun wag mo hayaan na maging hayahay ang buhay nya kasama ang babae nya para maramdamin din ng babae nya na may kahati sya sa inagaw nya na may responsibilidad na ano laban nya diba? May anak na yung jinowa nya kaya di rin sila magiging masaya. Haha fighting lang momsh maging strong ka para sa anak mo.

Magbasa pa

Hi mamsh Same situation tayo hehe mas malala pa aken hahahahaha pero advice kolang sayo pwedeng dimo na siya balikan pero magpasustento ka why? kasi parang lalo molang sya pinaligaya sis ang swerte naman niya ikaw lang tataguyod sa baby mo tapos soya tatalikod sa obligasyon niya hayaan mong magsustento siya or kung ayaw mo na talaga kahot sa sustento wag mo nalang din ipakita baby mo sakanya pray lang din sis.

Magbasa pa

Let go na mommy. Sabi nga ng partner ko (na baka maging soom to be ex ko na din haha joke) kapag ginawa nang lalaki manloko ng isang beses, gagawin at gagawin niya parin ulit yan depende nalang pag gusto nya na sa sarili niya na magbago talaga. Pero wag mo ipastop yung sustento. Mahirap daw talaga na habang nagbubuntis ka, magchcheat yung partner mo sayo. Pero we need to be strong para s amga anak natin.

Magbasa pa

I'm 6months pregnant at di yun dahilan para mag stop ako sa pag-aaral kase graduating na rin ako this year. Hindi ako humingi ng sustento sa tatay ng baby ko pero mismong tatay neto nag offer na magbibigay sya ng sustento . Kaya wag mo patigilin sa pagsustento ang tatay ng magiging baby mo kase responsibilidad nya yan lalo na kung alam mo in future di mo kaya financially.

Magbasa pa

Girl, I'll cut the chase okay? Wag ka na makipagbalikan dyan sa ex mo. He cheat meaning pwede nya ulit-ulitin. Kung usapan sustento naman kaya mo ba i mean? Supportado ka ba ng parents mo or kaya mo ba ibigay needs ni baby kasi mahal ang needs ni baby, kung ako sayo kuhanan mo parin ng sustento yang tatay ng anak mo dahil hindi naman biro ang gastusin.

Magbasa pa

Hindi po tama,. Niloko na nga kayo tapos papahirapan mo pa sarili mo na akayin mag isa yung mga gastusin ni baby. Dapat po hayaan mo sya magsustento para mas mahirapan sya kung kaya nya ba, pag hindi nagsustento lapit ka sa VAWC. Saka karapatan din ng anak niyo yun na sustentuhan sya ng tatay nya, di na para sayo para kay baby po..

Magbasa pa