Tanong lang po

Left side po ba talaga dapat matulog? Nakakangalay po kasi minsan. Pwede po ba sa right? Wag lang tihaya? #advicepls

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mas maganda raw po sa left side, maganda raw sa circulation ng dugo. ako naman sapol bata mas komportable left side matulog. yung friend ko, sinimulan niya sanayin sarili nya na sa left side matulog nun nasa 3mos preggy pa lang siya. kung sanay naman kayo nakatihayang matulog, mayroon mahirapan kapag malaki na tiyan, mahirap daw minsan huminga.

Magbasa pa
2y ago

korek mahirap huminga kapag nakatihaya

20 weeks preggy ako per mas comfortable ako nang nakatihaya. Mas nakakatulog ako maayos nang nakatihaya Kasi pag left and right Yung position ko nakakangalay sa braso at katawan. Sabi nila okay padaw Yun Kasi maliit pa nman Yung Tiyan ko. Pero pag Malaki na at bumigat na masasanay na daw nang nakatagilid matulog.

Magbasa pa
2y ago

Kapag malaki na mommy, mag side ka na magsleep, delikado kasi kay baby kung nakatihaya, minsan nag ccause ng stillborn dahil may naiipit na ugat. try mo lang din mag lagay ng pillow sa sides mo para mas comfy.

ilang mos na ba ang tiyan mo? depende raw yan sabi ng OB ko. kapag maliit pa ang bata, advise sakin hanggang 16 weeks pwede pa kong humiga kahit saang side or kahit nakatihaya. kung saan ka daw komportable. pero pag malaki na, saka lang nirerecommend na mag-left side.

as per my OB wla nmn daw po problem kung anong position ka mag sleep as long as comfortable ka kahit pa tihaya, left or right side, inaadvise daw po nila mag left side kung ang mother ay mu HB or problema sa pag bubuntis, to avoid complications like pre eclampsia.

currently 27 weeks at iniform ko ob ko na di ko kaya naka side position minsan naninigas tyan ko at si baby sumisiksik.. sabi ni ob ok lang naman at this stage na di usually naka side. pero habang lumalaki at palubo na tyan ko dapat daw sanayin ko sa left side.

2y ago

Yes po mi mas maganda pa din daw po left side pra maganda blood flow kay baby

Nung mga unang buwan po, patihaya ako sleep pero nung papalaki n tiyan ko puro left side nko sleep. Tas ng mag 8 months na, lagi nko sa right kasi pag nasa kaliwa ako, feeling ko maiipit si baby. Kasi mostly galaw nya sa kaliwa lagi syang parang nanunundot don.

2y ago

Pwede naman po siguro mi noh salitan sa left tyaka right hehe pero mas ok daw po pag right..

TapFluencer

you can change po sa sides. 😊. nung mabigat na tyan ko sumakit na yung balakang ko sa left side. di ko na kinaya magleft kaya nagriright na din ako. left side ang preferred dahil yata mas nagfflow ang oxygen kay baby nun. di po ako sure. 😅

2y ago

Thanks po mii

VIP Member

Ideal talaga left side mi. Use maternity pillow. 3-4 months preggy pa lang ata ako nag pillow na ko. So far wala akong problem sa sleeping position. Highly reco yung sa mandaue foam meron sa shopee.

mostly naka left side ako. pero minsan dahan dahan ako titihaya.. then sa right side naman. pero mas komportable talaga ako sa left side.. kaya bumabalik ulit ako sa left side after some time.

di naman pero nasearch ko mas okay daw talaga if sa left search mo po...pero ako nagright ako minsan pag di na talaga ko makatulog or ngalay po haysss hirap naman talaga e dahil before right na talaga ko...