pa-rant po :(
LDR kami ni husband kahit pa nung buntis palang ako. Umuwi siya nung 2 weeks na anak namin, tapos umuwi rin siya sa probinsya nila after 2 weeks ulit. Nung bumalik siya dito samin, nag-asikaso na kami sa kasal. So bale mga 3 weeks ko lang sya nakasama. Ang ginagawa nya dito nung nandito siya panay inom kasama mga tito ko kesyo nakikisama raw siya, dun sa kanila panay din inom, palagi ako nagagalit sa kanya, away palagi kasi nangako sya sakin na hindi na sya magiinom pati paninigarilyo na ginagawa kapag nagiinom sya. Away parati kahit kapapanganak ko palang. Siguro iniisip nya na reward niya yun dahil "ilang buwan" siyang hindi nakakapag-inom dahil sa ilang buwan niya sa barko. Nitong May 30, 1 day bago mag-1st bday anak namin nakauwi siya pero hindi kami ng anak niya unang nakaharap niya, walang iba kundi alak. Tapos 2 weeks din siyang panay ML (halos hindi na nga ako napapansin pati yung bata) bago siya mag-decide na sumama sa tito ko na magtinda. Ayaw daw kasi niyang nakatambay lang (HAHAHAHAHA edi wow). So ayun, hanggang ngayon nagtitinda parin sila tapos every day may ML parin, (hindi nya pinapakita sakin na naglalaro siya pero alam ko, may ML din kasi ako pero hindi ako araw-araw naglalaro nagoonline lang ako dun para tingnan game history nya) siguro pampawala ng bagot sa pwesto nila? Tapos halos every other day umiinom sila, eh ang kinikita nila araw-araw ay nakakalokang 200 sa dami ng kilo ng isdang puhunan nila mas lalo pang nakakainis yung may oras sila uminom, halos hindi na nila nakakasama pamilya nila kasi puro sila lang magkakasama araw-araw, mas lalo na sa asawa ko na kakauwi lang tapos parang mas asawa pa yung mga tito ko at kainuman nila. Uuwi lang kapag tapos na uminom, uuwi lang para matulog. Pakiramdam ko ako yung kabit. Jusko. Kapag nagagalit ako sa tuwing umiinom siya galit rin siya. Napapagod na ko. Pagod na rin daw siya sa ugali ko, di naman daw sya araw-araw o gabi-gabi nagiinom. Halos hindi nga nya maalagaan anak niya kapag may ginagawa ako, pati pagpapatulog at timpla ng gatas ako, nakukulangan ako sa paternal bond o sa pagiging physically at emotionally attached nya sa bata. Hindi ko rin masabi sa kanya saloobin ko kasi alam ko mamasamain nya lang din, napapagod na ko umiyak, nakakapagod mabuhay kapag ganito. Mas lalo nya lang pinaparamdam sakin na napaka-walang kwenta ko, na wala akong karapatan na pagbawalan siya, na wala akong karapatang magalit, palagi naman yan lalo nung mga panahong suko na ko sa buhay ko mas napo-provoke pa ako, hindi niya ako maintindihan. Ang dami kong traumatic experience nung bata pa ko sinabi ko sa kanya lahat yun pero ang sagot nya lang sakin na wag ko daw gawing motivation yun o baka ibig nyang sabihin e wag ko gawing excuse para sukuan ko sarili ko? Kapag nakainom siya o kahit hindi kapag may di ako magandang nasabi sa pandinig nya nagdadabog siya. Bumabalik yung takot, nangingig yung buong katawan ko sa takot at pagkatapos magiisip na naman ako na magsuicide nalang pero naiisip ko anak ko. Pano na siya kung wala ako? Pero pagod na talaga ako.