Normal lang po ba sa toddler na manapak physically? 1 yr 9 months baby boy palang po

Lately, we've been very worried na po about sa pagiging physically inclined nya on us. Nanakit sya pag hindi nakukuha gusto nya, minsan nanakit nlng bigla without us knowing na meron pala syang gustong hingin pero hindi namin maintindihan o na notice since hindi pa sya ganun ka vocal kasi 1 yr old palang. Few words palang alam nya pero naiintindihan naman nya kami pag meron kami sinasabi sa kanya. Ang dali nyang manapak, sa mukha o kahit saang party ng katawan namin. We'e been telling him na bad yung ganun kasi wala syang pinipili eh. Kahit sino sinasapak nya. Jusko. Meron din bang naka experience nang ganito? What are your strategies po? Or Is it part lng ba tlaga as a toddler and eventually lilipas din yan?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pagkakaalam ko ayun sa nabasa ko dito tantrums daw ng baby yun. Yung anak ko 1yr and 8 months, nagsimula na din mamalo sa ate nya lately. Siguro ay gusto lang nyang makipaglaro pero ang madalas nyang ginagawa nagtatapon sya ng mga gamit kahit anong mahawakan nya. Pag di nya makuha naman gusto nya at pinagbabawalan sya namamalo sya although hindi physical kundi yung hawak ko na gusto nyang kunin pinapalo nya saka sya iiyak magtatampo, hihiga sa sahig. Pag pinagsasabihan ko pa sya tatahimik lang at kinukusot ang mata.

Magbasa pa