Normal lang po ba sa toddler na manapak physically? 1 yr 9 months baby boy palang po

Lately, we've been very worried na po about sa pagiging physically inclined nya on us. Nanakit sya pag hindi nakukuha gusto nya, minsan nanakit nlng bigla without us knowing na meron pala syang gustong hingin pero hindi namin maintindihan o na notice since hindi pa sya ganun ka vocal kasi 1 yr old palang. Few words palang alam nya pero naiintindihan naman nya kami pag meron kami sinasabi sa kanya. Ang dali nyang manapak, sa mukha o kahit saang party ng katawan namin. We'e been telling him na bad yung ganun kasi wala syang pinipili eh. Kahit sino sinasapak nya. Jusko. Meron din bang naka experience nang ganito? What are your strategies po? Or Is it part lng ba tlaga as a toddler and eventually lilipas din yan?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Anak ko 2y 2m at first nananapak out of playfulness kasi ganon yung laro nila ng lola niya. Pero pag dating sakin pinahbabawalan ko siya sa mga part na nasasaktan ako, like face, stomach etc. Lately nagstart na siya manapak kapag may hindi siya gusto or kapag may gusto niya na hindi niya makuha. So may napanuod ako na video ni Dr. Erika Mata, na kapag ganon nga, hawakan ang kamay nila at pag sabihan na "Wag mo gawin yan, masakit yan, mommy mo ko." Etc. Ganon ginawa ko sa anak ko, pinipigilan ko kamay niya, pinagsasabihan with eye-to-eye contact. Consistent lang ako sa ganon, kasi at first mahirap yan i-process ng utak nila, pero habang tumatagal maiintindihan din nila. Nagsorry siya sakin, since marunong na siya mag sorry, So far di pa naman nauulit. Kailangan talaga mag start ng discipline as early as possible. Don't wait for it na mawala, kasi baka makasanayan kung hahayaan lang, at kung hindi iko-correct iisipin nila na okay lang yung ganon.

Magbasa pa
2y ago

Thank you maam. Will try to apply yung ganung strategy.

Pagkakaalam ko ayun sa nabasa ko dito tantrums daw ng baby yun. Yung anak ko 1yr and 8 months, nagsimula na din mamalo sa ate nya lately. Siguro ay gusto lang nyang makipaglaro pero ang madalas nyang ginagawa nagtatapon sya ng mga gamit kahit anong mahawakan nya. Pag di nya makuha naman gusto nya at pinagbabawalan sya namamalo sya although hindi physical kundi yung hawak ko na gusto nyang kunin pinapalo nya saka sya iiyak magtatampo, hihiga sa sahig. Pag pinagsasabihan ko pa sya tatahimik lang at kinukusot ang mata.

Magbasa pa