SHARE AND ANY ADVICE NA DIN PO
Last Sept.19 nung nagsimula akong makaramdam ng pananakit ng puson tas laging matigas yung tyan ko. Hinahayaan ko lng sbe kse ng matatanda normal lng daw yon. Then, nagtuloy tuloy po sya ung tipong hirap ng ko maglakad sa sakit tas sinasabayan ng paninigas ng tyan. Kaya nung Sept. 21 nagpacheck up na ko and nag i.e ung doctor na reliever ng o.b ko. And sinabi nya na may opening na daw sa cervix ko pero wala pa nmn po 1cm which is hindi pa kse masyadong pang maaga 30-31 weeks pa lng po ako. Kaya nagpagawa po sya ng mga lab test. Baka din po kse may UTI daw ako kaya masakit ang puson. And binigyan nya po ule ako ng pampakapit (Duvadilan). Sept 24 ko po nakuha result ng mga lab test ko and bumalik po ko sa O.B ko and normal nmn po lahat pati urinalysis wala nmm daw po akong UTI. And sinabi ko sa kanya ung check up nung sept.21 na may opening nga daw. And dun ko nalaman na nag Premature Labor na daw ako kaya ganon ung mga nararamdaman ko. Kaya dinagdagan nya ung pampakapit na iniinom ko. Duvadilan and Duphaston na 3x a day parehas for two weeks and tinurukan na din po ako ng pang Lung Maturity. Nirecommend nya na mag complete bed rest na ko baka daw po kse magstimulate pa ung opening. And mapaanak ako ng maaga. Working din po kse ako. Pang 2 days na ng bed rest ko ngayon pero yung mga nararamdaman ko is ganon pa din lalo na ung sa pananakit ng puson. May naka experience na po dto ng ganto? And any advice para lalong maiwasan mapaaga ng panganganak. Thank you so much.
Baby Angel & Baby Paul Andrei