Any advice po , Ang hirap ko po ata ma buntis .

Last do po namin ng Partner ko April 14 , after 2 weeks mahigit sa sobrang excited ng partner ng pt po ako agad , kaso negative po after ilang days ng try po ulit ako ng pt negative parin , hanggang sa May 1 dinatnan po ako pero sobrang konti lang parang patak lang and nung, May 2 dun na ako dinugo hindi na sya patak kaya sobrang nag alala kami after nun next-day patak patak na po ulit then nung last day parang Color brown na po yung lumalabas sakin. 2 days after nong na wala yung patak na blood sakin nag pt po ako ulit dun di ko po alam kung positive or negative kase di po klaro yung isang line nya , I inulit ko po tapos wala na po yung isang line negative na po sya . Pero bakit hanggang ngayon parin po feeling ko buntis ako kase napaka moody ko , sobrang emotional ko , Wala din po ako ganang kumain . May pag asa pa din po ba ako ma preggy kase gustong gusto po namin ng Partner ko , lalo na po seaman yung partner ko gusto nya po may kasama ako lagi. Gustong gusto ko po mag ka baby sana matulungan nyoko.😥

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan po tlga sis sa kagustuhan mo po mapreggy ung mga sintomas ng pagbubuntis mararamdaman mo ksi iniisip mo na buntis kna. ganyan ako dati nung nag ttry ppalang kami awa ng diyos after 1 year nabiyayaan kami. pray lng po ng pray.

4y ago

regular ba mens kaba sis? mahina o malakas ka mag mens?