Any advice po , Ang hirap ko po ata ma buntis .

Last do po namin ng Partner ko April 14 , after 2 weeks mahigit sa sobrang excited ng partner ng pt po ako agad , kaso negative po after ilang days ng try po ulit ako ng pt negative parin , hanggang sa May 1 dinatnan po ako pero sobrang konti lang parang patak lang and nung, May 2 dun na ako dinugo hindi na sya patak kaya sobrang nag alala kami after nun next-day patak patak na po ulit then nung last day parang Color brown na po yung lumalabas sakin. 2 days after nong na wala yung patak na blood sakin nag pt po ako ulit dun di ko po alam kung positive or negative kase di po klaro yung isang line nya , I inulit ko po tapos wala na po yung isang line negative na po sya . Pero bakit hanggang ngayon parin po feeling ko buntis ako kase napaka moody ko , sobrang emotional ko , Wala din po ako ganang kumain . May pag asa pa din po ba ako ma preggy kase gustong gusto po namin ng Partner ko , lalo na po seaman yung partner ko gusto nya po may kasama ako lagi. Gustong gusto ko po mag ka baby sana matulungan nyoko.😥

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I agree po similar po yung pms at pregnancy symptoms. Minsan nga po yung symptoms ko right after period na. Pro mostly before. Mg pnconsult po kayo sa ob. Sa amin po niresetahan po kme ng vitamins ni hubby ko ng OB ko in preparation at s awa ng Diyos nakabuo po kme.

4y ago

Hi ate, ang PMS po is pre-menstrual syndrome ibig sabihin po yun yung mga nararamdaman mo or signs na parating na ang mens mo. Ang PMS at Pregnancy symptoms po is malaki ang pagkakapareho kaya madalas naiisip ng iba na rereglahin lang sila without knowing na signs na pala sya na preggy kna. Gawin nyo nalang po is magpaalaga kayo sa OB. or DTD after ng period mo pra mas accurate kase yun yung most fertile days natin. Baby dust po sainyo