Breast Abscess

Last october sya nagstart and until now still pinagdadaanan ko tong pagsubok na to. Sobrang hirap. Last nov 22,2019 na emergency na admit ako dahil sa sobrang di ko na kaya yung kirot at sakit na bumubukol na gustong pumutok. Insicion at drained yung ginawa sakin. Akala namin ooperahan na ako that time pero di ganun nangyari. Sobrang sakit na puro tusok ng karayom yung naramdaman ko dahil sa di umepekto yung anesthesia. Tumagal akong 10 days sa ospital kasabay ng antibiotics na binibigay sakin. Nung na discharged na ako, akala ko ok na ako at tapos na yung hirap at sakit ng mga pinagdaanan ko pero eto, hanggang ngayon mas lalong lumala. Sa mga breastfeeding po na tulad ko po, please be aware po at make sure po na left and right po yung nadedean ni baby. Godbless po.

Breast Abscess
61 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hala mommy saan nag sisimula yan ganyan? Kakatakot naman yung isang utong ko kasi lubog so.parang di madede ni baby yung kabila kasi lubog po yung utong ko ano kaya dapat gawin?

6y ago

or padede mo lang ng padede mommy makukuha din ni lo dun yan. ganyan din right nipple ko dati, one week ata puro left lang dumedede si lo sakin non dahil lubog yung sa right ko, ginawa ng mother ko hinahawakan nya ulo ni lo pag dedede sya sa right para di nya bitawan dede ko tapos ayon after 2 days nakalabas na nipple ko tapos ngayon anlaki na nya hahaha. Mas gusto ko pa nga ipadede sa kanya yung right ngayon kase yun hindi nagsusugat hindi kagaya ng sa left ko ang sakit pag dinedede dahil sa sugat