Breast Abscess

Last october sya nagstart and until now still pinagdadaanan ko tong pagsubok na to. Sobrang hirap. Last nov 22,2019 na emergency na admit ako dahil sa sobrang di ko na kaya yung kirot at sakit na bumubukol na gustong pumutok. Insicion at drained yung ginawa sakin. Akala namin ooperahan na ako that time pero di ganun nangyari. Sobrang sakit na puro tusok ng karayom yung naramdaman ko dahil sa di umepekto yung anesthesia. Tumagal akong 10 days sa ospital kasabay ng antibiotics na binibigay sakin. Nung na discharged na ako, akala ko ok na ako at tapos na yung hirap at sakit ng mga pinagdaanan ko pero eto, hanggang ngayon mas lalong lumala. Sa mga breastfeeding po na tulad ko po, please be aware po at make sure po na left and right po yung nadedean ni baby. Godbless po.

Breast Abscess
61 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maraming salamat po sainyu. Sa totoo lang po, araw araw ako umiiyak dahil sa kondisyon ko. After ng follow up check up ko inisched nila ako for biopsy kase nakita sa result ng utrasound ko may something. Pero di ako pumubta kase di ko na talaga kaya yung mga tusok. And ngayon, halos buong dede ko puro butas na gawa ng namumuong nana. Natatakot talaga ako pumunta ulit ng ospital lalu pa ako lang mag isa.

Magbasa pa
6y ago

So simula nung day 1 hanggang 1 year abd 4 months po