"Wala kang karapatan!"
Last december nanganak ako via CS. Naging mainitin ang ulo ko after manganak. Laging masungit, mabilis magalit. Kahapon galing kami sa labas at sumakit ang ulo ko paguwi at nahihilo. Umiiyak anak ko hawak sya ng asawa ko. May ubo kasi baby ko at barado ang ilong. Pinapalinis niya sakin ilong ni baby at sabi ko mamaya na patahanin nya muna. Tapos lumabas sya ng kwarto dala ang baby namen. Maya maya umiiyak na naman si baby. Madalas sya umiyak pag hawak sya ng asawa ko at hirap sya patahanin si baby. Kaya kinuha ko si baby at nilabas ko. Tas lumabas din sya inabot ang gatas ni baby sabay sabing "uuwi kami sa bahay. Iuuwi ko yan sa bahay!" Tapos pumasok sya sa kwarto. Uuwi na daw sila sakanila. Dahil masakit nga ulo ko nainis na din ako at sinabi ko na bakit iuuwi nya anak ko. Kung uuwi sya umuwi sya wag nya isama anak ko. Tapos bigla nya sinabi "wala kang karapatan!" Wala daw akong karapatan sa baby ko. Dito na ko nagalit ng todo at tuluyan na kame nagaway. Di siya umuwi kagabi at di macontact so wala ako alam kung nasan siya at di ko na din sya hinanap dahil sa galit ko sa kanya at inalagaan ko na lang si baby. Hindi ko na alam gagawin ko. Napapagod na ko at nawalan na ko ng gana sa kanya. Ginive up ko buhay at pangarap ko para lang sa bubuuin nameng pamilya. Ngayon hindi ko na alam san ako magsisimula lalo na't may baby ako. Feeling ko wala na akong karapatan na ituloy ung pangarap ko. Ano ba dapat ko gawin mga momshie ????