Real Talk. Minsan mo na bang naisip na ipalaglag ang batang dinadala mo sa iyong sinapupunan? Ano'ng nakatulong sa'yo sa panahon na to?
Real Talk. Minsan mo na bang naisip na ipalaglag ang batang dinadala mo sa iyong sinapupunan? Ano'ng nakatulong sa'yo sa panahon na to?
Voice your Opinion
OO
HINDI

4616 responses

68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes, hindi kami parehas ready ng partner ko that time... Wala din ako sariling ipon. TBH, nag search ako sa internet ng abortion pills. Was able to purchase but then nothing happened. Nag spotting lang ako, as in spot lang. Pero nothing happened. Was going to purchase for the 2nd time kaso nalaman na ng mother ko na I was pregnant. Told her about it and she was very worried. Dinala ako sa OB namin for a check-up and told her everything. Habang sinasabi ko sa kanya ung abortion pills, napapapikit na lang siya. Sinabi ko din ung isang sinabi sa akin ng kakilala ko, Amoxicillin das tsaka Buscopan. Kaso hindi ko na tinuloy... After everything sa awa ng diyos, ok naman ung 1st TransV ko. Nung narinig ko ung heartbeat ni baby for the 1st time, hindi ko na kaya magpa-abort. 7mos na si baby ngayon and so far, everything's good. I was hoping na fake ung nabili kong abortion pills... And kung fake talaga siya, I am thankful for it. Alam ko maraming nanay ang magagalit dito sa kwento kong ito but I also want everyone to be aware na hindi worth it ang magpa-abort. Once you take it at hindi naging effective, nandoon ung kaba mo at burden na baka pagkapanganak mo, nandoon ung side effects ng ininom mo. WAG NIYO NA ITULOY MAGPA-ABORT NG BABY. Bandang huli, ikaw din lalamunin ng konsensya mo.

Magbasa pa

Hindi,kasi matagal na nmin pinangarap magkaroon Ng Kapatid ung anak namin 10yrs.kami naghintay na masondan Ng pangalawang anak...Nang nalaman ko na buntis Ako sobrang saya ko lalong Lalo na ung ka Asawa ko sa sobrang saya namin ay hndi Nia namalayan na umiyak na pala siya,,Kay sobrang napakalaking blessing na nabuntis Ako sa 10 yrs.na paghihintay namin,,kasi nawalan na Ako Ng pag asa na mabuntis Ako nang Malaman ko na may PCOS Ako pru nagdasal at hndi pa rn sumuko na baka may Plano ung panginoon sa Amin at mabigyan Ng milagro na mabuntis ulit Ako...Kaya ung pangarap namn at pinagdasal namin natupadnkaya Ngayon mag2months na preggy na Ako🙏🙏🙏

Magbasa pa

Yes, pumapasok sya sa isip ko.. lalo na nung nagsimula ung paglilihi ko, sobrang hirap kasi halos 2 months ako di kumain, suka ng suka ..konting kibot suka kahit nasa kalagitnaan ng tulog susuka pagkatapos kumain susuka ulit. Feeling ko mamamatay na ako..sobrang payat ko na din, minsan nag aaway kmi ng boyfriend kasi nagiging nega na ako. Sa sobrang sensitive ko maglihi naospital na ako. Pero pagkatapos nman ng first trimester umokey na ako, at sobrang mahal ko na si baby ngayon, guilty kasi naisip ko yun pero ganun lang siguro kasi mahirap tlaga magbuntis.

Magbasa pa

parang bigla akong nadisappoint sa bf ko that time na asawa ko na ngayon. tapos inisip ko mwawalan ako ng work. weeks plang iyon. pero noong na-confirmed ko after a month kasi ng-PT ako. umiyak lang ako then naramdaman kong super blessed ako by God na matagal ko ng hiling.😍😍😍 and thankful ako now,sobra. kasi 2 months plang siya nagpapakita n agad ng gilas. Kahit nung 1st week plng ang active2x n niya

Magbasa pa

Dati gustong gusto kona mabuntis at ang gusto kong ama ng magiging anak ko yung taong minahal ko ng sobra, ayon na buntis nga ako ng taong mahal ko, pero ngayong buntis nako nagsisi ako kung bakit nangyare saken to. 🙁 pero ngayon ang tanging goal ko lang mailabas ko si baby ng normal at healthy. Baby ko nalang ang nag bibigay ng lakas ng loob saken at palage akong nag dadasal.😘🙏💗

Magbasa pa

Fortunately I'm in a healthy relationship and ready kami in case mabuntis ako, so abortion never really crossed my mind. Pero honestly if it happened to me nang masbata ako at hindi maaasahan ang partner ko at that time, baka maisip ko rin yan. Really gives you an insight not to judge others too quickly for the things they think about in terms of unplanned pregnancy

Magbasa pa

I was tempted dahil sa emotional abused na naranasan ko sa partner ko. I was able to go through the stressed at i-block siya sa buhay ko habang nasa first trimester ko and now I have my 4days old babygirl and very happy dahil nalampasan ko ang temptation na yun. Malaki din ang naitulong ng TAP app na to lalo na yung mga article and shares ng ibang mga Mommies :)

Magbasa pa

Nasa abroad kasi ako non nagdadalawang isip kasi sayang ang trabaho at bawal don ang buntis. Pero deep with in me gusto ko na talaga magkaanak. Mas nangibabaw ang excitement kaysa lungkot. Hindi ako nag attempt hanggang pagdadalawang isip lang ako. I have now a 15 month old na baby which is my life. At kahit kailan hindi ko pinagsisihan na tinuloy ko siya.

Magbasa pa

Never kong naisip un..gustong gusto ko tlaga mgka baby kahit nahihirapan nga ako ngayon sa panahon nato dahil pandemic minsan walang pera..nangunguha ako ng malunggay para kung wala kong makain na masustansya atleast merong malunggay ang baby sa sinapupunan ko ngayon ay isang grasya mula sa Panginoon...

Magbasa pa
VIP Member

Ewan ko lang ah. Pero kahit sobrang depress ako at kinain ng anxiety on my pregnancy journey dahil sa mga problems, hindi manlang sumagi sa isip ko na ipalaglag ang bata. Siguro din dahil malakas yung faith ko kay God at naniniwala kasi akong may dahilan ang lahat ng bagay. ☺️