Malamig ba talaga o mainit?

Lagi kameng nagtatalo ng asawa ko kung dapat bang electric fan-an/aircon-an un baby namen o hindi. Haay. Btw, 2 mos na si baby pero mula umpisa hanggang ngayon, nag aaway kame kung malamig ba o mainit kwarto. Ayaw nya kasi mag electric fan though sabi ng pedia naman ni baby, pwede naman mag electric fan wag lang tutok. Kahit feeling ko sobrang init na talaga, nililihis nya un electric fan. Minsan nag aircon kame, pinagalitan pa ko. Hindi nya makuha point ko na pag pinagpawisan un bata at natuyuan, lalong magkakasakit. Ngayon may sipon si baby, ako sinisisi kasi nag aircon kame kahit once lang gamitin. Di ko tuloy alam gagawin ko. Lalo na sinabi ng nanay nya din un. E iba naman ang klima sa probinsya sa manila. Talagang malamig dun lalo na sa gabi e dito sa manila, bukod sa kulob na ang mga bahay, polluted pa ? Mamshies, ano ba talaga need ko gawin? Haay.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

E-fan nalang na umiikot lang then lagay ng towel sa likod ng bata para if pawisan hndi matutuyuan. For me not advisable ang aircon kahit masarap sa pakiramdam at nasasala ung hangin, nakakadehydrate sya nabasa ko lang sa isang internet post pero for me real ata kasi naka aircon kami dito sa bahay ng biyenan ko pag gabi and I can feel na nagddry throat ko kakaenhale ng hangin galing sa aircon, tapos ung ehem excuse me, kulangot ko super tuyo pag madaling araw and nagigising ako ng nauuhaw. Mommy kausapin mo nalang ng maayos si husband mo na hindi pwedeng pawisan si baby at matuyuan kasi magkakasakit sya. And isa pa mommy wag lagi aircon kasi ako nga matanda na e pero pagkapatay ng aircon nagbabago pakiramdam ko biglang ang sakit sa ulo kasi from malamig to mainit na temperature.

Magbasa pa

Para po sakin wag na sanayin sa aircon or efan kung di naman masyado kelangan all the time kac pag halimbawa nasa labas kayo mabilis tubuan ng bungang araw ung baby kasi di nailalabas yong pawis na dapat pagpawisan c baby dahil masasanay sa malamig. Mas ok pa din po yong balance lang.🙂

Kami aircon kami since day 1 . Much better ang aircon kaysa sa fan. Kasi pag fan prone sa pagka lunod sa hangin si baby at kabag. Pag mag aircon mummy wag lang malakas masyado tamang temp. Lang then lagyan mo lang bonet para di malamigan ang bunbunan.

1y ago

for newborn baby lang po ang binabalot mi pero pag four months na ang baby mo ay iba na yun mi hindi na yun newborn

Ako since December ko sya pinanganak. . E-fan lang kami mula pagkapanganak hanggang matapos amihan season. . Tas nung mag summer na. . Aircon na ginamit namin. . Grabe kasi init na ngayon kahit sa gabi. . Magliligalig lang ang bebe pag naiinitan. .😊

5y ago

Nun start po ng december gets ko kung malamig talaga. Electric fan kame. Pero ngayon 2 mos na ayaw na nya talaga pagelectric fan lalo na mag aircon. Double na stress ko kasi hirap huminga ni baby. Huhuhu

Baka natuyuan siya ng pawis. Tama lang naman na mag e-fan basta wag lang tutok. Pag naka aircon naman make sure lang na nakakumot or naka frog suit. Grabe naman si sir. Di naman parehas ang pakiramdam ng bata sa pakiramdam niya.

baka naman matuyuan ng pawis si baby.. Okay lang mag electric fan wag lang nkatutok sknya. Wag dn sanayin sa aircon kase aircon kayo sa bahay niyo tas paglabas ng bahay mainit. di maganda sa katawan yon.

5y ago

Sabi nga din ng pinsan ko mamshie, baka natuyuan huhuhu. Now namen dadalhin sa ospital kasi sobrang hirap sya huminga. Nasstress ako.

Nasubukan nyo na po bang isama si mister sa pedia para marinig nya din po ang dapat gawin at bawal talaga kay baby? Natry nyo na po na itanong yan sa pedia at parehas kayong nkakarinig ng sagot?

TapFluencer

Kami nga simula newborn si lo naka aircon kami 😁 and hinahanap hanap na din ni lo ang aircon di makatulog ng maayos lo ko pag hindi naka on yung aircon.

for me mas ok ung aircon kaysa electricfan ung baby ko pag aircon ok sya pag e_fan npapansin ko nagkakahalak sya pag kagising

5y ago

Kahit po electric fan ayaw nya po ☹️

VIP Member

Aircon khit nasa 22-25 degrees lang. Ang baby mas gusto nila pag matutulog cool and dark room.