Ganito din ba OB-Gyne niyo?

Kwento ko lang yung OB ko. Kapag mag papacheck-up ka dapat maaga ka tumawag or magtxt sa secretary niya para di ka mahuli sa pila. Kailangan 1pm nasa clinic ka na. Darating ka na fresh, uuwi kang bilasa. Kasi dadating si Doc ng 5:30 ng hapon malas mo kung panghuli ka kasi 9pm ka na makakauwi. Halos ng kasi ng mga kasabayan mo puro nagpapa Ultrasound. Yung check up mo di tatagal ng 5 minutes kasi mabilisan di mo man lang makausap ng one on one si Doc para magtanong sana kung ano mga bawal at di bawal kainin or gawin. Yung mga laboratory test na ibibigay mo sa kanya di niya binabasa kung di mo itatanong di niya sasabihin kung normal lang ba or hindi. Nagtitiis kami mga pasyente niya kasi siya lang yung OB sa bayan namin na may pang ultrasound kasi yung mga ibang OB wala silang machine pang Ultrasound. Nakakangalay po ang maghintay sa kanya lalo na buntis mga pasyente niya ang sakit sa balakang?

45 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Try mo magpalot ng OB sis. Ang OB ko walang ultrasound machine. Ginagawa nya is binibigyan lang nya ako ng referral letter para makapag paultrasound ako sa isa pang ob.

Ob ko mga 2 to 3 hrs aq naghihintay pero worth it nman bukod sa magaling sya talagang mag explain at yun nman matatanungan mo at libren na sknya ang ultrasound.

OB ko mabait at chill, parang barkada lang 😊 pero magaling, inalagaan nya talaga ako since may history ako ng miscarriage. skl 😂😊

Bakit ganun maraming OB na may attitude dito din sa amin diko rin gusto ung OB ko ang mahal pa naman ng consultation fee sa clinic nila.

VIP Member

Magpaultrasound ka n lang sa knya den mgpa check sa ibang ob. Mas mabuti pa'ng sa health center ka nlg ngpa check kesa sa kanya eh.

Change OB kahit malayo. Yung ipinila mo ng matagal para kana dn bumyahe ng malayo papunta sa ibang OB or baka mas mabilis pa.

Grabe namang ob yan. Thankful ako kasi mabait ob ko. Sya din nagsasabi mga dapat kainin para maging strong si baby like egg.

Pede nmn lumipat hnap k ng ok sau. Kc sobrang bc ng mga yan d mo mhabol schedule ngvisit p yn s hospital bgo mgclinic

Pwde kanaman mg pa check up sa iba atlest may record ka jan . Kuha ka lng ng ultrasound at lumipat kana

Yung ob ko kahit ako yung late inaantay ako ang bait ng eh kasi until now nag rereply padin sa chats ko.