At the hospital

Kwento ko lang yung nangyari sakin sa hospital kanina. May sched ako ng congenital anomaly scan. Last week pa ako inschedule ng obygyne ko. Last week dapat gagawin kaso wala na daw bakante so ngayong araw napunta. Sabe sakin balik ako ng umaga para gawin yung test. At yun na nga nagpunta ako kanina. Mga 10-11 am siguro ako nakarating nun sa ospital. Tagal makasakay e kase tanghali na din nagising. Binigay ko agad yung request form sa lab after bayaran, alam ko mabilis lang din naman sila magtest saka yung result mabilis lang din. Around mag11 ata yun ng ibigay ko yung form at sabi saken nung nurse antay lang ako sandali may ginagawa lang daw yung doctor. Ako alam ko sandali lang talaga kase nakapag ultrasound na den ako dun nung 8weeks ko at mabilis lang nga. Sa pagaantay ko na yung may ibang mga buntis den na dumating at napansin ko una pa sila tinatawag para itest kaysa sakin. Nakadalwang balik ako sa nurse station at tinatanong kung kelan ako tatawagin. Wala nakalista kung sino yung nakapila sa kanila. First come first serve usually sa lab. Ang nangyari mag12pm na d pa ako natatawag e yung mga dumating na after ko pa, tapos na agad. So nagtanong na ako, kase mga sabi sakin sadali lang daw e. Aba bigla ba naman sinabi na inuuna daw kase yung mga regular ultrasound kase special daw yung akin kaya panghuli ako. So ako naman sabe ko ano oras pa po ako makakapagtest, sabe 1pm daw. Edi nagantay na naman ako. Di muna kami umalis kase pagaalis at kakain tapos babalik madodoble pa gastos. So antay nalang kase 1hr lang naman. Ako nalang naiwan na buntis nagaantay sa labas ng lab. At nung 1 pm na tinanong ko kun makakapgtest na ako, wala pa daw yun doctor. So antay na naman. Hanggang sa mag 2pm na di pa den ako natatawag. Nakailang tanong na ako lagi sinasabi saken na sandali nalang daw e mag 2pm na d pa kami nakain. Nung after lunch na yun may 3buntis na panibaging dumating at sila na naman unang tinawag. Hangang sa d na ako nakatiis nagtanong na ako, hanggat meron bang nadating na regular test ako yung ipapanghuli kahit sinasabi na sandali nalang. Ganon daw kase talaga. So bumalik ako sa upuan ang sama ng loob ko. Ang sakit na kase ng likod ko, ng pwet ko at ang tugas ng upuan 3hrs na ako nagaantay d pa ako natatawag. Yung huling dumating nauna pa sila. Umiyak na ako habang nakaupo. Yung aswa ko nagalit na siya na nagfollow up sa nurses nagpapaexplain bakit pinagaantay ako at anun yung special na ako yung ipinanghuhuli. D daw sila makasagit at makapagexplain. After ko kumalma, sabe ko sa asawa ko kukunin ko na yung labrequest ko at paparefund ko nalang. Kase halfday lang din hiningi ko sa work na leave e. D ko talaga inexpect na papatagalin nila. Pinagtitinginan ako nung mga nurse nung kinukuha ko yung form. Luhaan pa ko nun. Tapos bigla nalang sinabi saken na ako na daw yung itetest. Yun naman pala pwede ako na kanina pa ako nagaantay kung di pa nagalit asawa ko at d ko pa babawiin yung form d pa nila ako uunahin. May isang buntis pa na nagaantay ng regular test nun. Kung di ako nagreklamo uunahin pa yun bago ako. Sobrang sama ng loob ko e. Ang sakit na ng katawan ko kakaantay. Nung nasa loob na ako para sscan after matapos dun lang ako nakaexperience na basta lang nilagyan ng tissue yung tyan ko tapos umalis yung nagtest na tatawagin nalang ako sa result. Para bang nagmamadali na d mo maintindihan. Usually aantayin muna nila makatayo yung tao bago umalis yung nagtest at pupunasan mabuti yung gel sa tyan. Pero grabe. Sobrang bilis lang ng ginawa saken wala pa nga yun 15mins tapos pinagantay pa ako ng matagal. Di ko alam anong trip nila ng araw na yun bat nagkaron sila ng porket special yung test na gagawin e ipanghuhuli.

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply