Kung manalo ka ng lotto...
Kung ikaw ang manalo sa lotto, ano ang bibilihin mo?


Pag ako nanalo sa lotto, papa tapos ko yung bahay namin. Na stop nung nag simula yung pandemic. Nakatira lang kasi kami sa inlaws ko and malaki kasi silang pamilya and medyo magulo kami sa bahay. Babayaran ko mga utang namin. tutuparin ko yung matagal ko ng pangarap na makatulong sa mga batang naiwan sa dswd or nasa lansangan. At Gusto kong mamigay ng mga gamit pang skwela sa mga batang nanganagilangan. Sobrang tagal ko ng pangarap yun. Tutuparin ko yung mga pangako ko sa mga magulang ko kahit wala na si papa dito sa mundo, lahat ng sinabi ko or ipinangako ko sa kanila na gagawin ko. Magbibigay sa simbahan bilang pasasalamat sa Diyos na walang sawang magbigay ng biyaya. Palalaguin pa ng lalo ang negosyo namin. Matagal na namin gusto magkaroon ng physical store at makapag bigay ng trabaho sa ibang mga nangangailangan. Be a blessing to others, ika nga. 🥰 Kung ano man o magkano man ang matitira, itatabi ko para sa kinabukasan namin ng nga anak ko ❤️
Magbasa pa


