sama ng loob

kung hindi lang mga mommy masama pumatay nakapatay na ko bwisit kasi bilas ko ako palagi pinag iinitan wala naman ako ginagawa sa kanya lumalayo na kami sa gulo pero gumagawa parin sya ng way para magkagulo minsan sa sobramg inis ko sa kanya sinabunutan ko saka pinukpok ko ng kasirola yung ulo sobra na kasi mga mommies kahit sabihin na mas matanda sya sakin at mas malaki katawan nya sakin wala ako pake sobra na kasi sya tapos kapag nakita nyang masaya ko gagawa sya ng way ulit para masira araw ko

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Grabe yung pagpukpok ng kaserola. Siguro po kung kaya pang iwas, iwasan nalang po at wag nalang pansinin. Hayaan mo nalang siya sa gusto niyang gawin, mas papansinin mo kasi yan, lalo yang sisigi sa pangaasar sayo. Wag mong pansinin, titigil di yan.

Pag magasawa na at may sarili pamilya kailangan napo bumukod. Napaka normal pong eksena nagkakabwisitan pag magkakasama sa isang bahay with extended family or inlaws. Sobrang bihira mamuhay ng mapayapa na may kasamang ibang tao.

Deadmahin mo nalang siya. Sinalo siguro niya lahat ng insecuritues sa mundo. Best way to treat people like that is silence. Ipakita mo nalang sakanya na di ka apektado kasi wala naman siya g say sa buhay niyo.

control your temper mommy. ang magandang revenge jan is wag mo na po patulan.at wag mo po pakita na affected ka. hayaan mo lang po. pakita mo lang po na masaya ka.

VIP Member

Haynako may mga bwisit talagang bilas. Kajit wala kang ginagawa ikaw ang lalabas na masama ! Mga panira ng beauty eh hahaha. Parang byenan ko lang din bwiset 😂

VIP Member

Mag sarili nalang kayo mamsh. Para sa ikaka peace of mind ninyong dalawa. Kung magsasama lang talaga kayo, kahit evry seconds mag aaway at mag aaway parin kayo.

Parang one sided ang kwento. Pero ang masasabi ko, brutal ka. Oo pinagiinitan ka, pero ikaw nakasakit kaagad. Tapos naisip mo na pumatay. Anong klaseng tao ka?

VIP Member

wag mo nalang pansinin sis.. baka kaya lagi kang iniinis kc dun sya masaya.. hayaan mo nalang. kaw na umiwas.. masam mastress..kaw din baka mapag lihian mo pa sya.

6y ago

naku mommy pinagmamalaki nga nya yung baby ko sa knya nagmana kasi may dimple. jusmiyo marimar! hindi po ako naglilihi hihihi... kaso mommies kapag pinipisikal nya ko gumaganti ako lalo na kapag susugod sya na walang akong ka alam alam na may ginawa akong mali.

VIP Member

Mhrap xe dn mgtimpi kya hnd k msisisi qng npuno kn at pinatulan mo.. Hnd mo dn bsta maiwasan xe bilas mo.. Much better hnd kaio ngkkita..

mas maganda bumukod na lang kayo.kasi baka lumala pa yung galit mo at makapatay ka pa ngayon pa nga lang may pagkabrutal ka na eh.