???

Kelangan ko lang i-share to dto, kelangan ko lang ilabas to kasi baka mabaliw ako pag kinimkim ko to.. Nung una naman na nabuntis ako nagalit mama ko pero eventually tinanggap naman niya. Okay kami ng LIP ko. Kaso nagkaron ng problema nung nakaraan bago ako manganak. Nakulong siya kasi nadawit siya sa kasalanan na ginawa ng mga kaibigan niya. Kaya ayun nawala siya ng higit isang buwan. Nakabalik siya nanganak na ko. Nung una okay naman sa mama ko. Ramdam ko na ang swerte namin ng anak ko sa mama ko dahil siya nag-tustos samin nung wala LIP ko. Nung pagbalik ng LIP ko, magsisimula palang ulit kami kasi nawalan siya ng trabaho. Kaya dito muna kami tumira sa bahay ng mama ko hanggang ngayon na 5 months na anak ko. Pero may trabaho na yung LIP ko, hindi na katulad nung una kasi natanggal siya kaya balik siya sa minimum wage. Nakakapag-abot naman kami buwan buwan para sa bills. Minsan naman kami yung bumibili ng ulam. Nung una okay pa.. Pero netong past few months, mula siguro nung mag-3 months anak ko, nakakarinig na ko ng di magagandang salita sa mama ko. Feeling ko din nawawalan siya ng amor sa anak ko. Pag umiiyak kase anak ko kahit saglit lang na wala ako, sinasabi niya na dapat umalis na kami dun. Madalas pa siya yung nagpapaiyak sa anak ko. Tas pag iiyak papagalitan niya. Kaya minsan nagagalit din ako. Tapos since minimum wage salary ng LIP ko, di maiiwasan na madalas talaga kapusin budget namin. Ayan na si mama, susumbatan na niya kami. Kesyo wala na nga daw kami gaano ginagastos wala pa dw natitira sa pera. May isang beses pa na sinabi niya na kaming dalawa lang daw ng anak ko ang problema niya sa buhay. Sobrang nasaktan ako dun. May minsan pa na kahit di niya sinasabi, ramdam ko na di na kami welcome dito. Gustong gusto ko na umalis kaso hndi ko pa kaya.. Hindi ko pa kaya tumayo sa sarili kong paa.. Ang sakit lang feeling ko wala kming kakampi. ???

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Feeling ko ang problem talaga niya is yung partner mo tapos nawalan nalang siya ng gana sainyo because of him. Let's be logical here, nakulong si LIP and all through na wala LIP mo si mother mo nagsusupport sainyo then nung dumating na yung LIP mo nagbago na yung mood niya. Feeling ko nawalan talaga siya ng amor and respeto sa LIP mo. Humingi po ba ng sorry or pasensya yung LIP mo sa mother mo? Sa tingin ko kasi feeling ng mom mo eh natatake advantage siya ng LIP mo in a way na nakikita niya na di kayo naaalagaan ng maayos, gets mo? Anyway, magheart to heart talk kayong tatlo ni mama mo kasi for sure may sama yun ng loob. Lakasan and kapalan mo na mukha mo pag kinausap mo siya. Hindi kasi kayo magkakaayos if hindi mo malalaman yung reason talaga di ba. Kausapin mo din lip mo, magpakumbaba kamo ng bongga sa mama mo.

Magbasa pa

Ilang taon na po Mama mo. Parang nag memenopausal syndrome sya a. Or baka may mga problema den sya at sa inyo naibubunton. Mas mabuti mo makausap mo sya ng maayos para magkaintindihan kayo. Kayo kayo lang den naman magtutulubgan sa oras nan problema e