Mahirap ba mag-alaga ng baby mag-isa?

Kaya po ba mag-alaga ng newborn (3weeks old) baby up to 3 months? 2 weeks lng kasi paternity leave ni hubby then back to work na sya. Ako lang maiiwan mag-isa sa bahay with the baby. No complications naman ang pregnancy ko ngayon kaya tingin ko mannormal delivery ko. Currently 32 weeks. Thanks sa mga feedbacks mga mumsh. πŸ™‚

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap po maging nanay. Tatag ng loob ang kailangan. Ftm po. kaantabay ko si hubby for the first few weeks. as in kasama ko na sa puyatan pero pagod na pagod pa din ako. haha. pero despite that, kinaya ko naman dahil siguro gumana ung unconditional love ng nanay sa anak nya. 3 months na si lo ko ngayon. matetest ka talaga pag nasa growth spurt period na. sabi nila 3 weeks, 6 weeks, 9 weeks un. pati ung 3,6,9 months. pero sofar hanggang 6 weeks lang ako nahirapan na dumadatong pa sa point nakaface the wall na lang ako kasi nabablanko isip ko. 😭. Pero I made it. Yay! Nakakaproud na sa dinami rami ng kamaganak ng asawa ko dito sa min, sa 1st few days lang ako nagpatulong. ako na sa lahat pagkatapos nun. Fulfilling maging ina. Yan ung experience ko. Mahirap pero fulfilling. Eto siguro ung pakiramdam na kahit wala ngang sweldo, magagawa mo lahat para kay baby. btw, working mom din ako. nagstart ako magwork from home nung january 4th.

Magbasa pa