Mahirap ba mag-alaga ng baby mag-isa?

Kaya po ba mag-alaga ng newborn (3weeks old) baby up to 3 months? 2 weeks lng kasi paternity leave ni hubby then back to work na sya. Ako lang maiiwan mag-isa sa bahay with the baby. No complications naman ang pregnancy ko ngayon kaya tingin ko mannormal delivery ko. Currently 32 weeks. Thanks sa mga feedbacks mga mumsh. 🙂

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

MAHIRAP, SOBRA. I will not sugarcoat like the other moms here. In my experience, it felt like I was losing my sanity the first 3 months. Partida kasama ko pa si hubby nyan dito sa bahay as he’s working from home, at sya gumagawa ng ibang gawaing bahay. Pero sometimes umaalis rin sya ng bahay to run errands, go to work, or go to the gym/play basketball (which is sobrang kinaiinisan ko nun), or kahit nandito sya he’s busy with something else (like his phone 😩). You will need all the support that you can get especially sa gawaing bahay para focus ka na lang on tending with your baby. Pero kahit si baby na lang inaasikaso, nakakapagod pa rin mi. Your baby will go through growth spurts and will cluster feed, wherein halos di na sya magpapalapag, isama mo pa yung kabag na lalong magpapa-fussy kay baby. One of the hardest parts for me was during my baby’s “witching hours”. Hourssss, hindi lang 1hr. And that went on every night for several wks. Usually 2hrs or more (the worst one lasted until 4hrs 🥲) he’ll just cry kahit napadede na, napalitan na diaper, napaburp, hinehele mo na, nagbicycle/massage na for kabag pero todo iyak pa rin. Nakakabaliw kasi overstimulated na rin ako plus exhausted na at puyat pa tapos di ko pa maintindihan kung ano gusto ni baby at syempre masakit rin sa loob na di ko sya mapatahan kaya I had to keep on thinking ways to soothe him. Minsan kasama pa yung gutom na gutom ka na or ihing ihi ka na or ang baho baho ka na sa sarili mo kasi ilang days ka na di naliligo pero di mo maisingit kasi di mo maiwan si baby. I used to eat on the bed pa nga beside my baby during the 1st 3 months makakain lang. The 1st 3 months sobrang tindi ng pagse-self pity ko. As in awang awa ako sa sarili ko kasi it felt like I lost control over my own body. And kahit kasama ko asawa ko, pakiramdam ko I was going through all of those alone. Feeling ko pa nun para rin akong single mom sa pagod ko 🥲 But those are just my experiences, baka naman iba yung pagdaanan mo. Nonetheless, I’m sharing them to you so you can somehow get the idea of how hard the 1st 3months will be. If di ka masasamahan ni hubby, I will suggest you look for kasambahay or ask your parents para may katuwang ka.

Magbasa pa
2y ago

@kath leen, it gets better everyday ma. Huugs 🤗

I'm a first time mom too, my husband is an ofw. he was there when i deliver the baby and yet it was hard for us. Na CS pa ako, i wasn't allowed to carry the baby as per my OB pero ung mga nurses pinilit ako maglakad and kargahin si baby after 24hrs kc hindi nila mapatahan ang anak ko. Even my husband was having a hard time soothing our baby, it was always me. hindi ako makatulog since every hour need may feed kay baby. my husband also hindi kaya magbantay sa gabi hindi nya kaya ang puyat. He does the house chores, linis, luto, laba. Our baby also is a diffult one 😅 pakarga lage, ayaw pababa, ayaw sa crib, ayaw sa duyan, etc. It bacame an issue since ako kay baby almost all the time, pati gabi and madaling araw. I complained i badly needed sleep, he tried ilabas si baby sa kwarto so i can nap. But minutes lang binalik nya din 😅 to the point na nag aaway na kami, nagbilangan na kami. "ah may time ka mag ganyan ha while ako di mo pinapatulog, di mo ko tinutulungan kay baby" was my line all the time. and it even became more difficult ngayon na ako na lang hehe. My mom sometimes visits mga once in 2 weeks, dati kahit 2 months kmi hindi magkita Ngayon ang wish ko parati dana dumalaw agad si mama hahaha. all i can say is matetest patience mo pagdating ni baby, nakakapagod but at the same time nakaka happy 😊 Good luck mommy, i pray for your safe delivery and may your baby be healthy.

Magbasa pa

same exp. husband is an ofw. and ksama ko nmn s bahay is mama ko, 2 kptid ko n my tig isang kptid. Literal, tlaga kht my ksama ka prng wla rin nkaalalay sau. Im all alone sa pag aalaga ky baby. 😔pnka sad na naexp ko, is i gave up breastfeeding with my lo bukod sa lubog nipples ko, mdming msakit pa sakin esp nipples ko sobra sakit kht npump ko na. plus hrap hrap p c baby ilatch nipples ko, puyat n puyat rin ako at umiiyak nun, naalala ko umiiyak ako pg antgal bgo mtulog ni baby, like 6hrs ko n sya hinehele minsn almost 12 hrs dpa rin tulog, 😔 walang humahalili sakin noon, as in. ssilip lng sila s kwrto ttignan k lng, hehe pero d mag offer ng ako muna dyan idlip ka. khit idlip dmo mggawa, ligo or ihi kht suklay hindi pti pglilinisnng sugat ko all by myself lng. Mhrap sa una pero very fulfilling din nmn pg nlgpasan un. Then i decided mag fm nlng kmi keysa madede nya sakin lgi lungkot ko at paiyak iyak ko d rn ako nkakain ng tamang food at sa oras. Pero thankful ako at nlgpasan ko un at super happy nmn tlga ang pgkkroon ng baby end of the day piliin mong mgng happy and strong moma for your baby. goodluck sayo and have a safe delivery.

Magbasa pa
VIP Member

I gave birth nung kasagsagan ng pandemic so kami lang talaga ni hubby dalawa sa bahay since our families live in province. Di namin pinapunta parents namin sa takot na ma expose sila sa virus sa airport. It was really hard in taking care of the baby alone pag nasa work si hubby ko. I would always find myself wishing for an extra hands to help me so I could just get for an extra minutes of sleep. Because of lack of sleep and exhaustion, i even had a one episode of postpartum rage. The feeling of anger was really overwhelming na kahit ako di ko alam saan nanggagaling yung galit ko at that time. It is really true that it takes a village to raise a child. Pero bilang isang ina, wala sa vocabulary natin ang salitang suko. Kaya self-care is a must sa atin mga nanay. Give utmost importance in taking care of our mental health. Mapapagod pero hinding hindi susuko. Eat healthy and if the baby sleeps you sleep too (mahirap man gawin pero kailangan lalo na pag ikaw lang mag aalaga). Good luck sis and just enjoy the journey of motherhood. Savor the moments while baby pa ang anak mo. You'll miss it pag malaki na siya.😊

Magbasa pa
TapFluencer

Mahirap po maging nanay. Tatag ng loob ang kailangan. Ftm po. kaantabay ko si hubby for the first few weeks. as in kasama ko na sa puyatan pero pagod na pagod pa din ako. haha. pero despite that, kinaya ko naman dahil siguro gumana ung unconditional love ng nanay sa anak nya. 3 months na si lo ko ngayon. matetest ka talaga pag nasa growth spurt period na. sabi nila 3 weeks, 6 weeks, 9 weeks un. pati ung 3,6,9 months. pero sofar hanggang 6 weeks lang ako nahirapan na dumadatong pa sa point nakaface the wall na lang ako kasi nabablanko isip ko. 😭. Pero I made it. Yay! Nakakaproud na sa dinami rami ng kamaganak ng asawa ko dito sa min, sa 1st few days lang ako nagpatulong. ako na sa lahat pagkatapos nun. Fulfilling maging ina. Yan ung experience ko. Mahirap pero fulfilling. Eto siguro ung pakiramdam na kahit wala ngang sweldo, magagawa mo lahat para kay baby. btw, working mom din ako. nagstart ako magwork from home nung january 4th.

Magbasa pa
VIP Member

Honestly, kahit sabihin natin na "kakayanin para kay baby" sobrang mahirap talaga mi. You will need all the help the universe could offer. Kahit po sabihin na uncomplicated pregnancy and kaya ma normal, hindi mo talaga masasabi pag andun ka na. Like sakin sobrang smooth sailing ng paglabor ko. Patulog tulog pa ko while waiting mag progress. Iire na lang ako nag drop pa hb ni baby so kinailangan ako ics agad agad. Mas mahirap pag na cs mi. Hindi ka agad agad makakapag buhat kay baby. Di makakilos agad ng maayos. Pero mapipilitan ka talaga gumalaw. 2 wks siguro better na. Ako kasama ko pa everyday mom ko sa pag aalaga pero sa gabi ako na lang ulit. I let my husband sleep kasi papasok pa sya sa work maghapon. Tho may time na ginigising ko pa din talaga sya if needed help. Pero it gets better everyday. Unti unti makikilala mo si baby. Magagamay mo na kung pano sya alagaan.

Magbasa pa

To be honest, mahirap Mommy. As a first time mom, nakakashock sa sistema ang newborn. Although, iba iba rin naman po talaga experience ng bawat nanay, and at the same time, iba iba rin po ang mga baby. Kung kaya nio pong humingi ng tulong or maghire ng kasambahay, I strongly suggest po na sana may makasama po kayo sa bahay. Importante din po kasi na maalagaan nio rin ang sarili nio para may lakas kayong mag alaga kay baby. May mga oras kasi Mommy na dadating na hindi mapatahan si baby kaya talagang ang laking tulong na may aalalay po sa inyo. Para makanakaw din kayo ng tulog kahit papano, para hindi kayo mag alala kay baby kung need niong magbanyo o maligo, etc. Hope you will have a safe delivery and healthy baby!

Magbasa pa

MAHIRAP pero KAYA mi.. 😇 sa una feeling mo di mo kaya.. pero masasanay kadin.. lalo pag FTM ka.. minsan din iniiyak ko nalang atleast naeeast padin ung pagod kasi nailalabas mo through iyak..pero mas better may kasama ka..kasi kung minsan d mo nadin magawang kumain ng ayos.. d makaligo hanggat d tulog si baby.. patience lanf tlga.. mahirap kumilos kung 1 month ka palang nanganak.. kasi andun padin ung panghihina mo gawa ng paglalabor..mas okay din kung relatives mo din kasama mo lalo may baby ka.. mas okay ung safe kaung dalawa😇

Magbasa pa
VIP Member

yes mommy.. kaya po.. ako po post- CS pa, yung hubby ko 19 days lang din yung leave nya.. wala po kaming kasambahay.. mangangapa sa una syempre pero kaya naman, 3 mos na si baby next month. ☺️ nakapagset na kami ng routine and dapat tulungan kayo lagi ni hubby mo. Go mommy! pero hindi dahil kaya, hindi na tayo hihingi ng tulong, walang masama humingi ng tulong kung kailangan. 😊 watch ka din mommy ng mga youtube videos, para may idea ka din. Good luck and God bless your journey.

Magbasa pa

Naalala ko yung 1st week parang masisiraan na ako ng bait dahil sa puyat, wala pang 3 hrs gising na agad si baby, kung dati sisiw na sisiw ang puyat sakin pero once nung nagka baby na ako grabe, lahat na ata ng mura nasabi ko na. Pero after non pag tulog na si baby nag so sorry nman agad ako dala rin talaga ng pagod at stress sabay mo pa yung pospartum period. Kaya mo yan mi basta tatagan mo lang loob mo. Currently 12 weeks na si baby ko.

Magbasa pa