Katuwaan lang ule mga moms and dads. Naranasan nyo na bang mapalo noong araw? Ano yung pinaka masakit na naihataw sa inyo? Sa akin ay gitara! P.S. I know naman na we'll not do this with our kids.

92 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yung ginagamit lagi sakin dati ng parents ko pag hindi sintoron walis ting2 nman, for me mas masakit yung walis ting2, kasi yung isang stick lang ng walis ting2 yung ginagamit mama ko yan lagi gamit na pamalo sakin noon, papa ko sintoron nman pero hindi sya masyado masakit pag namamalo sya,mas masakit pa sya magsalita kesa sa mamaloπŸ˜‚

Magbasa pa

Ako belt din. Grabe marka talaga sa balat ko and napahiya din ako in front of my classmates when I was in high school. Nasampal na din ako ng daddy ko once and talagang ngtanim talaga ako ng sama ng loob that time kaya ayokong gawin to sa mga anak ko.

Yung extension wire. Medyo makapal yun dahil tinupi ng ilang piraso. Kagigising lang kasi di pa naligpit hinigaan nasa labas na ko. E bumili lang naman ako non sa tindahan dahil napag utusan. Saklap! Hahaha.. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

nanggaling ako sa child abuse so bale lahat na ng klase ng pamalo ilan beses pa nga ako muntik maitak tas one time lola tinakot ako ng kutsilyo as meron akong malalang childhood no wonder kung bakit matapang ako 🀣🀣🀣

4y ago

Ilang beses na din ako hinabol ng itak ng lolo ko. Hahahaha buti maliksi at mabilis ako tumakbo πŸ˜‚

saken po yung. kawayan na ilalagay para sa papag πŸ˜… Nakulitan na kase nang sobra samen Papa ko. kaya nahataw kame. pero isang beses lang nagawa nya samen yun 😊 then sa Mama ko naman yung hawakan nang walis tambo πŸ˜…

Sa amin boys lang ang pinalo (belt). Girls pinagalitan at sinigawan lang. May isang beses lang na nasampal ako ng mommy ko. Nagsorry sya pagkatapos kasi nagulat din sya na nagawa niya yun.

VIP Member

C papa namin ang namamalo non.. Stick na kawayan at sinturon. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. D ko malilimutan un papaloin ako ni papa tapos tatakbo ako.. Maghahabolan kami.. Hanggang mas magalit sya.. πŸ˜‚

Walis tambo pero minsan lang un nung umabsent aq sa school haha. Ung sa kahoy nman dalawang beses lang, pasaway kc. Both, mama ko pumalo sa akin πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Ndi nman kc namamalo ang dad q 😊😊😊.

Haha kakamis lng, dati kc pag papa kona nag sisit sakin takbo aki agad pauwi kc pag sumipol/nagsitsit sya na d pako umuwi yung pistawel na nakasabit lagi sa nalikat nya ang lagi nya hinahataw sakinπŸ˜…

Nong bata ako hinataw ako ng tatay ko ng bamboo stick yung mga sanga sanga pa , subrang sakit hangang ngayon naalala ko padin sya dahil sa pelkat ko sa paa .