mother in law

May katulad kaya ako dito na palaging sinasabihan ng pangit ng MIL ang anak. Palagi nalang nya sinasabihan ng pangit, blackie, bulldog, brownie, at lahat ito sinasabi nya kahit ako ang may karga sa baby ko at naririnig ko. Kanina umaga sa harap pa ng ibang tao, paulit ulit nya tinawag na pangit pangit pangit yung anak ko. Di po ako nagsasalita kasi currently, sa kanila kami nakatira (thankfully, ilang days nalang magkakaroon na kami sarili place to live separate from them) and out of respect na din dahil matanda na sya, 70 yrs old, and syempre nanay sya ng mahal ko. Sobrang sakit lang minsan kaya di ko maiwasan pansinin. Eto po pala si baby, 3 months old na. 3 buwan nya na rin sinasabihan ng kung ano anong masakit sa pandinig.

mother in law
686 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Naku momsh sumosobra naman ata yang mil mo. Sarili nyang apo pinagsasalitaan nya ng masama anong klaseng lola yan.

ang cute nga eh. baka insecure po momshie kaya sinasabihan ng ano ano ignore nyo po momshie para iwas away nalang

Baka lambing lang po mommie.. saamin nga sinasabihan pa ng kapatid ko na mukhang unggoy ung pamangkin ko 😂😂

hnd nmn poh pangit noh,.. ang cute nga ng eyes nya e, hayaan u n lng xa sis, ang importante healthy c bhaby,....

Awww.. Ang hirap ng ganyan momsh ang sakit sakit sa dibdib pag nkkrinig ng ganyan about kay lo mo pa😭.. Hays

Baka po nag uulyanin na c MIL kaya ganun.deadmahin mo nlng sis,cute2x nga ni baby at popogi pa yan lalo paglaki

Cute cute nmn ni baby eh.. Hayaan mu lng siya bka na insecure lang yun hehe joke.. At least paalis na kayo hehe

Hnd nman pangit ang cute nga ni baby bilog n bilog ang mata hay nku mommy wag m n pansinin ma stress k lng

VIP Member

Hala! Grabe naman po, ang cute cute po ng baby niyo mam.. :) wag nyo nalang po pansinin yung sinasabi ng MIL..

70 na kase momsh, malabo na mata kaya baka di nya naklaro kung gano ka pogi apo nya. Hays pogi pogi kaya. 😍