Posible bang magkamali ang result ng ultrasound?

Kase unang ultrasound ko 6weeks and 6days may heartbeat pa si baby pero mahina, 104 po ganun . After 1 week pinabalik po ako ng ob ko para magpaultrasound po ulit, sa 2nd ultrasound ko po 6weeks and 2days lang ang baby at wala na daw pong heartbeat, nanlumo po ako nung time na yun. Then sabi sakin ng ob ko, magpaparaspa daw po ako. Di padaw ako pwede pumasok sa work need ko daw ng bedrest. So sinunod ko. Inoffer niya ako sa hospital niya na private kaso wala akong sapat na pera nun kaya naghanap nalang ako ng public hospital. So nung nagpatingin ako sa public, binase nila yung previous ultrasound ko, yung pangalawa . Kaya niresetahan nila ako ng pampahilab ng tyan . Ang sabi sakin within 7days dapat daw duguin nako. Kaso 21 tablets na nainom ko in 7days di padin ako dinugo, so nagwoworry na ako . Nagpacheck ulit ako sa ob ko, kaso sabi ulit dun na sarado pa ang pwerta ko kaya di pako pwede iraspa, mas lalo akong nabahala kase syempre nakakalason yung ganun na di mo nailalabas ang baby kung patay na. 4weeks na, until now wala pading sign na pwede ako iraspa at sarado pa ang pwerta ko. Kaya nag 2nd opinion ako, nagpatingin ako sa komadrona dito samin na lelisensyado, ang sabi niya may pulso naman ang baby tsaka di naman agad masyadong maririnig ang heartbeat ng baby kase nagdedevelope pa daw ang baby . 12 weeks na ngayon sa tyan ko si baby and ramdam ko na yung heartbeat niya, palaki na din ng palaki ang tyan ko. Sa 28 ulit ang ultrasound, hoping na sana nga buhay . #Preggy_12weeks #JustMoms

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

dapat po nagpa 2nd opinion muna kayo, pumunta kayo sa ibang doctor para macheck kung talaga bang wala ng heartbeat ang baby bago kayo uminom ng gamot pampahilab. kasi malay nio po mali lang ung ultrasound.. anong klaseng ultrasound po ginawa sayo, TVS po ba?

3y ago

pa second opinion kapo ulit Mii kung pwede pa tvs kapo ulit para sa safety ni baby

dapat Po di Muna kayo uminum Ng gamot nag second option Muna kayo Ng ultrasound

3y ago

Ay grabe talaga mga doctor. Minsan parang business na talaga ang raspa. Na experience ko yan sa first ob ko, minamadali ba naman ako iraspa at masyado ko raw gusto maging buntis. Anyway. I hope ok si baby mo, magpacheck ka sa ibang ob kahit third opinion para lang sure. Good luck!