63 Replies
Palaayos ako nung 1st trimester. Pagdating ng 2nd trimester sobrang tamad ko na mag ayos. Anjan na ung sobramg dry ng face ko pero ung ilong ko ang oily. Ung mga skin tags ko dumami at umitim mga kilikili, leeg, singit. Pero baby girl pala. Nagaayos lang ako dahil need maging presentable sa office pero sa totoo lang pangit na pangit na ako sa sarili ko. 😂 Iniisip ko na lang na napakagandang bata ung dinadala ko kaya ok na ako. 😂
Naniniwala ako jan sis kc ako dati ang hilig ko magayos at gusto ko lagi ako mgnda pero nung nbuntis ako ang tamad ko n kht s paliligo d n ko ngtatagal s cr haha d n rn ako ngpopolbo mdalamg dn ako magsuklay basta ntatamad ako ang laki n nga ng pinanget ko..at ayun n nga its a baby boy😊
Soon to have a baby boy here! Nag-bloom po ko during may first to 2nd trimester, tho di ako palaayos talaga kahit nung di pa preggy.. Madaming nagsabi na bagay daw sakin pagbubuntis ko kaya akala nila gurl.. Pero ngayong 8th month ko, nangitim lahat ng mangingitim hahahaha
hindi po Totoo yan base on my experience .. lagi nila sinasabi na Babae daw Po ung anak Ko Kasi daw po Maganda akong Nag Buntis kaya hindi sila Maniwala kapag sinasabi ko pong lalaki. Nasa Inyo Po Yan Mamsh kung paano nyo Dadalahin Ung sarili nyo wala po sa Gender ☺
Sakin po sobrang hagard itsura ko.kahit naglilight make up ako,lumaki lalo ilong ko tas feeling ko ang maga maga ng mukha ko, oily and naglalabasan mga pimples lalo na sa noo, may mga rashes din ako sa dibdib, tas dry na dry scalp at hair ko, baby boy din po sakin.
Palaayos ako, Hindi nagitim kasingit singitan Ko, Blooming daw ako, dami nag sasabe Bby Girl daw ako, pati Hugis ng Tummy ko . Pero it's a baby BOY😊😊😍 Mapoprove ko na wala aa Physical na kaanyuan yan nasa ULTRASOUND Dapat talaga Maniwala.😂😂😂😂
Myth lng po yun mommy. Nung buntis ako dami nagsasabi na babae baby ko kasi blooming daw ako. Pero baby boy po nung ultrasound. And ngayon lumabas na sya ngayon po ako nahaggard. Motherhood is real, wala ng time pra sa sarili 😂😅
Boy po si baby ko pero maayos pa din ako esp kapag lalabas ng bahay like check up or ppunta ng mall. Hehe. Pero tinatamad din ako maligo nung 1st tri ko, pero ngayon dhil sa sobrang init diko na magawa tamarin hehe
Hindi po totoo. Ang ganda ko nung buntis ako baby face kahit napupuyat hindi nagkakapimple pati buhok ko ang ganda. Boy anak ko paglabas ayun losyang na hindi magkanda ugaga sa pag aalaga haha
Wala naman po yan sa gender ng baby mo kung haggard or tinatamad ka po. Nakakatamad lang po kase minsan kapag buntis. May araw na gusto mo gumalaw galaw may araw din na gusto mo nakahiga lang.