460 Replies
ano kaya feeling no pag supportive partner mo sayo and very maalaga sa inyong dalawa ni baby? hahah tanong ko lang. Trabaho at paghawak ng cellphone lang alak nya eh 😅
Yes po, hindi ko na kaya mag drive pero mula 1st check up until now kasama ko pa rin sya 😊 kahit ba hindi sya pwede pumasok sa hospital dahil pandemic 👍🏻
yup! from the time na malaman na preggy ako til manganak ako at sa lahat ng check up at vaccines ni baby laging kasama si hubby ☺️🤗😍
hindi po kasi may work siya at okay lang namansa akin, pagkakauwe naman niya galing work pinapakita at sinasabi ko agad sa kanya ang update kay baby 😊😊😊
hahaha ako nga 1 beses lang ii . kada unang check up lang sa 2 namin baby 😅 ngaun buntis kahit 1 beses di ko sya kasama hahaha . layo ng work nya ii
twice lang ako sinamahan ng hubby ko kasi di rin nman sya nakakapasok kya nagdecide kami na wag na lang siya sumama. sabi ko magwork na lang siya since WFH siya
OFW si hubby kaya once lang syang sumama sa checkup. Sa second baby ko waley talaga. Sanay akong mag isa tuwing prenatal checkup at ultrasound appointments 😃
Important thing is pag off niya may time siya sayo like ipagluluto ka, imamassage. My opinion lang mamsh. Wag kna sad kse massad din si baby
Never 😭 asa ibang bansa kasi sya . Lalo nat manganganak ako wala din sya . Ganon talaga para sa future hehe. Pero nakakalungkot din.
Ako nung mga unang months kasama ko mother ko pero nung mga bandang 7 months onwards bf ko na sumasama saken hehe. Mas gusto ko kasama magpacheck up bf ko😊
Anonymous