Kasal o live-in?

Kasal muna bago mag-sama o live-in muna? Mas makikilala mo daw yung isang tao pag nakasama mo na sa bahay. Sa panahon ngayon di na bago saten yung nauuna ang baby o kaya nagsasama na bago ikasal unlike nung panahon pa ng mga lola naten. Di den gaya date na pahirapan muna ang pangliligaw sa babae bago makuha kaya siguro ganan na ngayon. At sa panahon ngayon, madame na den naghihiwalay kahit kasal o may anak pa, toxic reasons etc, pero di totally makawala sa partner dahil sa mahal magpaannul at walang divorce sa bansa naten Pero san ba kayo mas pabor? Maglive-in muna para makilala muna si partner nan husto bago ikasal o ikasal muna bago magsama para legal at may basbas ni God? Share your thoughts.

47 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

More than 12yrs na kami ngayon. 9 yrs in a relationship (as jowa) then 1 yr higit nag live in. Ayaw namin parehas maikasal, mga magulang na lang namin namilit kasi dun din naman daw paroroonan. Childhood sweetheart kami, 2nd yr highschool kasi kami naging magkarelasyon. Walang matagal na ligawan. Ngayon 2yrs higit ng married. Depende din kasi sa sitwasyon yan.

Magbasa pa