Kasal o live-in?

Kasal muna bago mag-sama o live-in muna? Mas makikilala mo daw yung isang tao pag nakasama mo na sa bahay. Sa panahon ngayon di na bago saten yung nauuna ang baby o kaya nagsasama na bago ikasal unlike nung panahon pa ng mga lola naten. Di den gaya date na pahirapan muna ang pangliligaw sa babae bago makuha kaya siguro ganan na ngayon. At sa panahon ngayon, madame na den naghihiwalay kahit kasal o may anak pa, toxic reasons etc, pero di totally makawala sa partner dahil sa mahal magpaannul at walang divorce sa bansa naten Pero san ba kayo mas pabor? Maglive-in muna para makilala muna si partner nan husto bago ikasal o ikasal muna bago magsama para legal at may basbas ni God? Share your thoughts.

47 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh. In our case nag live in muna kami ni hubby tas nagpakasal. Worth it naman. Mas nakilala ko sya. Kahit wala pang kasal basta mahal nyo isa't isa.. Its also a way na masiguro na sya na nga para sau. Kasalanan man sa mata ng iba pero mas malaking kasalanan kung kasal kayo tapos magbbroken family kc minadali.. For me kc for formality nalang ang kasal. Para sa karapatan mo and for legal obligations nyo ng partner mo..

Magbasa pa