Nakaraos na po ako ♥️

♡ Kara Alleign C. Panopio 38 weeks and 2 days EDD: May 10, 2020 DOB: April 28, 2020 (nakinig ata si baby sakin na sumabay sya sa anniversary namin ng daddy nya ?) 3.6 kilograms via NSD (yes, nainormal delivery ko sya kahit ganyan sya kalaki at bigat ? my vag is mad) ~ Totoo yung kasabihan na kapag nanganganak ka yung half ng body mo nakalibing na sa hukay, pero dahil mas importante sakin si baby nun tiniis ko talaga yung sakit at hirap. Di ko na maalala ilang hours akong nag labor nung Tuesday, all I can remember was when we got to the hospital mga 4pm something na nun I was still 1-2cm pero yung panubigan ko nag-leaked na and sobrang taas pa ni baby. Lakad lakad, konting squat while on active labor. 5:30pm inakyat na ko sa designated room namin para dun na ituloy yung paglalabor ko. Pinaka masakit yung ia-IE ka habang humihilab kaya nakahiga na lang ako the whole duration ng labor dahil sa sobrang sakit yung tipong mapapagrip ka sa bawat bagay na makita mo. Ilang beses akong nagdadasal at "napapa-Lord ang sakit na po" that time pero tiniis ko talaga dahil nga gusto ko syang i-normal delivery. Mga bandang 8:30pm siguro nung bigla na kong nag 9cm kaya nagpadala na ko sa DR. Then at exactly 10:25pm, my baby's out, bilib na bilib sakin yung OB ko pati mga nurse sa delivery room kasi nakaya ko sya iluwal despite of her weight. Sobrang napa-Thank you Lord talaga ko nung time na yun at naging okay kami pareho. Worth it lahat lahat ng sakit na dinanas ko when I heard her first cry after nun dun na ko nakatulog ng bongga. Thank you po sa lahat ng nakatulong dito sa app na to, lilipat muna ko sa Child's tracker since tapos na tayo sa Pregnancy tracker ? sending love to all preggy moms out there, kaya nyo yan! God bless ♥️

Nakaraos na po ako ♥️
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats sis.. Same anniversary here 😊😊