Tandem Feeding
Kapapanganak ko pa lang po nung Sept 29. And meron na rin akong 2 year old baby boy. Wala akong balak patigilin siya sa pagdede sakin lalo alam kong nakakatulong sa kaniya pampalakas ng immune system pero ang dami nagsasabi sakin na itigil ko na raw at kawawa naman yung bunso dahil hahatian pa sa pagdede nung kuya niya. Hindi naman kasi ako naniniwala sa ganun. Naaawa tuloy ako sa panganay ko kapag gusto niyang dumede, inaawat nila at kinukuha nila sakin. Hindi ko na alam gagawin ko. Nastress na ko sa mga naririnig ko.
Mommy of 2 energetic magician